Finale Chapter

951 40 5
                                    

Finale

"My Lola, Zariza Claveles Conrado, died when she gave birth to Tito Art. Hindi na nag-asawa ulit si Lolo. Pinalago na lang nang pinalago ang animal farm. And now he's popularly known as Don Arsenio Florian Conrado Sr.

         "Si Tito Dos ang panganay niya—Arsenio Florian Conrado Jr.. Tito Dos married Tita Maiara Yarcia, the doctor. They have three children. Nakilala mo na sila kanina—si Kuya Florian, Magnus, at Meah."

         Tumango ako habang tinuturo-turo ni Alek ang mga picture frames at portraits sa mansyon ng Lolo niya. Katulad din ng mga De Haro, marami rin silang larawan ng pamilya.

         "My father's the second son, Abelardo Favian Conrado. Married young to Alexandria Jaralve because of me. I'm the sperm that stubbornly survived, Aleksander Favian Conrado. Thank you."

         "Alek naman, eh..."

         He laughed and pulled me closer. "Then you met, Tito Art—Arturo Fernan Conrado. Binata pa. Looking for a wife pa siya, pero baka maunahan ko na."

         Hinampas ko siya sa braso. Lalo lang niya 'kong hinapit sa baywang.

         "Ten years ang pagitan nilang magkakapatid. Pinaka-proud si Lolo kay Tito Dos. Kasi siyempre panganay na magaling sa negosyo, nakapag-asawa ng successful din na tao. Masusunurin ang mga anak.

         "Ako naman raw ang paboritong apo. Kasi kawawa ako, pinabayaan ng magulang."

         "Itigil mo nga 'yang pagbibiro mo ng ganyan."

         "Totoo iyon, babe! Hindi ako na-o-offend kasi pansin ko rin naman. Pero paborito rin akong pagalitan at sermunan ni Lolo dahil matigas ang ulo ko. Ngayon lang ako medyo nag-behave..."

         Napabuntonghininga ako dahil parehas naming alam na totoong nag-behave na siya, pero sumabit lang kaming dalawa.

         Napayakap ako sa tiyan ko. Niyakap naman ako ni Alek at hinalikan sa sentido.

         "Tapos na lahat ng data gathering natin," pag-iiba niya ng usapan at pinaharap ako sa kanya. Ngumiti siya nang sobrang saya. "Malapit nang matapos ang thesis..."

         Tumango naman ako. Ngumiti rin. "Salamat, Alek."

         Napakurap siya. "For what, babe?"

         "For your passion and dedication to finish our thesis. Kasi alam mong maraming matutulungan 'tong intensive study na 'to. Ako talaga ang na-i-inspire mo. I know all the most intelligent people in school. But I never met someone this innovative and persistent..."

         Sobrang lawak ng mga ngisi niya. Matunog niya 'kong hinalikan sa pisngi. Napapikit at natawa ako dahil paulit-ulit ang pagpatak niya ng mga halik doon.

         Natigil lang ako at natulak si Alek nang may isang matandang lalaki na biglang lumitaw sa entrance door.

         "Lolo!" bulalas ni Alek. Lumapit siya sa Lolo niya at bumati, nagmano.

         Pagkuwa'y tinuro ako. "Lolo, siya po si Harana."

         Nilabanan ko ang panginginig ng mga tuhod ko at mabilis na lumapit.

         "M-Magandang tanghali po, D-Don Arsenio..." Yumukod pa 'ko na nakasanayan ko.

         The old man with white hair and handsome yet scowling face, looked pleased with my greeting.

         "What a courteous young lady. Ikaw ang nobya nitong pasaway kong apo?"

         Napakamot sa leeg si Alek. Ngumiti naman ako, pinipigil ang panginginig din ng mga labi. "A-Ako po si Harana Maye Torres, Don Arsenio..."

DHS #1: Burning SlowlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon