Chapter 17

652 29 1
                                    

Chapter 17

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kakaiyak. Basta't pagkagising ko ay umaga na. Malakas pa rin ang ulan sa labas pero hindi na kasinglakas katulad kahapon.

Kumikirot ang ulo ko. Napatakbo ako palabas ng kuwarto nang dumuwal ako. Buti at nakaabot ako sa lababo.

Sumuka ako hanggang sa wala na 'kong mailabas. Nanghihina ako pero pinilit kong malinisan ang lababo at makapaghilamos. Nakaalalay na umupo ako sa hapag.

Alam kong kasama sa pagbubuntis ang morning sickness... Pero ang mga nalaman ko kaninang madaling araw? Bumabaliktad kusa ang sikmura ko.

Nagagalit ako kay Inay... Bakit naman niya ginanon si Itay? Alam din ba ni Don Eloy na anak niya... 'ko?

Napapikit ako nang mariin! Labing-apat na taon ang tanda ni Don Eloy kay Inay at hindi nga imposible na...

Gusto kong magalit pati kay Don Eloy kahit hindi ko pa alam ang pananaw nito. Unti-unti, nag-iiba ang tingin ko sa matandang Don na laging mabait sa 'kin at tinuturing kong parang tunay na lolo...

Pero.. pero siya pala ang tunay na ama ko?!

Napasugod ulit ako sa lababo para magsuka. Naiyak na lang ako sa sabay-sabay na hapding nararamdaman ko sa sikmura. Lalo na sa puso...

Kumulog nang malakas. Mas naging agresibo ang pagbagsak ng ulan.

Para pala akong binabagyo ngayon ng mga problema. Nagkaayos nga kami agad ni Alek, nagkapatong-patong naman ang mga kailangan kong isipin...

Ang dinadala kong bata...

Sina Inay at Itay...

Ang tunay kong pagkatao...

Ang mga De Haro...

Latang-lata na bumalik ako sa sariling kuwarto. Mukhang maaga pa ring umalis para mag-trabaho sina Itay at Inay kaya't ako na lang ang mag-isa sa bahay ulit.

Gusto kong tawagan si Alek. Kahit mahigit isang araw pa lang na hindi kami nagkaka-usap o text, nami-miss ko na siya sa lahat nang nangyayari ngayon dito.

Hindi pa rin bumabalik ang signal kaya wala pa rin kaming komunikasyon. Unang beses kong mainip. At kahit gusto kong puntahan siya, hindi pa ligtas ang mga daanan sa labas.

I don't want to put my child at risk.

Natulala na lang ako sa bintana. Hinihintay ko kung matatapos pa ba 'tong walang katapusang bagyo na 'to... At maaayos pa ba ang pamilya namin sa mga nalaman ko?

Parang wala sa sarili ang mga kilos ko ngayong araw. Kumakain ako para lang sa ipinagbubuntis ko at saka babalik sa mahabang pagkakatulala... Naligo ako, naglinis, pero matutulala lang ulit.

Lumipas ang kalahating araw na mas maraming oras na nakatulala lang ako.

Ang sabi ko, mag-iisip akong mabuti para sa dinadala kong buhay. Pero ni sarili kong buhay ngayon, hindi ko maisip masyado kung anong dapat gawin.

Tapos, maghihiwalay na ba sina Inay at Itay?

"Harana?"

Napakurap at at napatuwid ng likod. May kumakatok mula sa pinto. Paglabas ko ng kuwarto ay nasilip ko si Sir Eugenio sa labas!

"S-Sir?"

Magalang na pinagbuksan ko siya ng pinto. May hawak siyang payong at nginitian ako nang masuyo. "Maaari ka bang maanyayahan sa mansyon, Harana? Ipinapatawag ka ng Papa..."

Napahinto ako nang maisip kong bigla na... alam na rin ba ito nina Sir?

At kung anak ako ni Don Eloy, kapatid ko sina Sir Eugenio at Sir Erasmo... At sina Kuya Cerek, Calysta, Marvee, at iba pa ay... p-pamangkin ko?

DHS #1: Burning SlowlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon