Chapter 7

663 27 2
                                    

Chapter 7

"Alek... may gusto ako sa 'yo..."

Namilog ang mga mata niya. "N-No... You rejected me..." Umiling-iling pa siya na tila ayaw maniwala sa 'kin.

Napalunok ako at pinalis ulit ang mga luha sa pisngi ko. "N-Nag-iingat l-lang ako. May reputasyon ka sa babae. Ako mismo, nakita k-ko kung p-paano ka maglaro. A-Ayokong..." Humikbi ako. "A-Ayoko lang namang mapag... mapag...laruan... m-mo..."

Napapikit siya at nasapo ang noo. "Hindi ko naman maitatanggi iyan. Pero, Harana, iyong mga babaeng iyon ang lumalapit sa 'kin." Tumuro siya sa labas. "Sila ang nagsasabing gusto nila ako. Oo, pinapatulan ko. Oo, naglaro ako. Naglalaro kami dahil gusto din nila! Pero kahit minsan, hindi ako ang unang nagtapat! Sa 'yo lang ako dumiretso at umamin ng nararamdaman ko!"

Hindi ko naman alam iyon. "B-Baka sandali mo lang ako magustuhan. Kaya naisip ko noon, tumanggi na lang para... para hindi na 'ko m-masaktan sa huli. A-Ang hirap din para sa 'kin na paniwalaang magkakagusto ka sa 'kin, Alek. Parang guni-guni lang..."

Kumunot ang noo niya at hindi lumayo sa harap ko. Pero hindi niya na 'ko hinawakan ulit. Nakatayo at nakatingin lang siya sa 'kin.

"Why are you confessing to me now?" he whispered.

Nangilid na naman ang bagong luha sa mga mata ko. Napayuko na lang ako sa mga sapatos namin.

"N-Nag... n-nag..." Pumiyok akong bigla.

"Nagseselos ka?" Dugtong niya, pabulong. Ang mainit niyang hininga, nararamdaman ko na sa noo ko.

Napatakip na 'ko ng mukha sa sobrang hiya. Pero hindi ko na mapigilan ang damdamin ko. Parang naipon ng ilang taon at nang makakita ng daan palabas, ayaw nang magpapigil.

"Naisip ko lang na..." Suminghot ako. "Na kung h-hindi siguro k-kita tinanggihan, hindi si Buena ang l-lagi mong ka-date o k-kasama sa sine o... O..."

"O hinahalikan?" dugtong ulit ni Alek. Parang nakangisi na siya sa tono niya. Pero ayaw ko pa rin siyang tingnan. Lulubog na 'ko sa kahihiyan at ayoko pang makita na pinagtatawanan niya 'ko.

"Pero kung nakuha na ni Buena ang atensyon mo, h-hindi naman ako maghahabol o ano." Bumagsak na ulit ang mga luha ko. "K-Kasalanan ko naman, ako 'yung nagtago ng damdamin."

"Hmm? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina?" marahang tanong ni Alek. Hindi niya 'ko hinahawakan o ano, pero napansin kong mas malapit na ang mga katawan namin kaysa kanina.

Nagsimula ko na ring maramdaman ang butil ng pawis sa noo ko. Parang walang hangin. Parang ang init-init sa maliit na guardhouse. At... at...

"I'm just trying to distract myself," Alek explained. "Dahil ikaw mismo nagsabi, hindi ka lalayo sa 'kin kung may iba na 'kong nagugustuhan. Hindi ka na iiwas... I thought I really made you uncomfortable, so I tried hard to redirect my attention towards her..."

Para ngang narinig ko na iyon kanina... Na kahit si Buena ang kasama niya, ako ang naiisip niya. Pero...

"S-Sinasabi mo bang..." Unti-unti kong binaba ang mga kamay ko mula sa pagkakatakip sa mukha ko. "Pinapaasa mo lang si Buena? Hindi ba't ang sama naman niyon, Aleksander?"

"Wala akong pinapaasa, Harana. Buena knows I just need company because apparently, the whole campus found out I was rejected. Katulad ng sabi ko kanina, alam nilang hindi ako seryoso. Alam nilang sandali lang ang lahat."

Humapdi ang dibdib ko. "G-Ganoon din ba... 'ko? S-Sandali lang din ba 'ko sa 'yo, A-Aleksander?"

Gusto kong malaman kung panandalian lang din ba 'to, para isang iyakan na lang.

DHS #1: Burning SlowlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon