Chapter 20

880 30 5
                                    

Chapter 20

Padilim na at naghahanda na 'ko ng hapunan, pero hindi pa rin nakakabalik sina Inay at Itay.

Ano na kayang napag-usapan nila? Nakapagpaliwanag na kaya nang mabuti si Inay? Naniwala na ba si Itay na mahal pala talaga ito ni Inay?

"Alek, paki-ayos naman ang hapag. Para makakain na tayo pagkabalik nina Itay."

Tahimik na tumayo si Alek mula sa bamboo sofa at hinanda nga ang lamesa. Pero nakasimangot.

Nagtatampo pa rin siguro dahil sa sagot ko kanina.

Ayoko naman talagang magpakasal... pa. Sa ngayon lang. Hindi ko naman sinabing ayokong magpakasal kahit kailan sa kanya.

Ang babata pa namin at hindi pa talaga ako handa... Para sa 'kin, pinaghahandaan nang mabuti ang pag-aasawa. Nabuntis na nga ako nang wala sa oras, kaya't dapat mas maging mature naman kami ni Alek sa lahat ng aspeto bago sana magpakasal.

But Alek as he is... May time limit lang pala ang pagka-mature. Dahil padabog na siyang naglalagay ng mga pinggan, kubyertos, at baso sa lamesa.

Napabuntonghininga na lang ako. Siguro pina-process niya pa ang paliwanag ko kanina. Pumasok na 'ko sa loob ng bahay pagkaluto ng ulam at sinaing.

"Mahal kita, Aleksander. Pero ipapaalala ko lang, we're just twenty. We're not even financially stable yet to support our child, and you want to get married right after college?"

Hindi siya umimik. Ang guwapong mukha, lalong nalukot. Ayaw salubungin ng mga mata niya ang sa 'kin.

"Magpapakasal naman tayo, Alek. Gusto ko lang, makapag-ipon muna tayo. Dahil sigurado, marami tayong gagastusin sa pagbubuntis ko.."

"I'm planning to loan from my grandparents or uncles. For the baby... Tapos unti-unti kong babayaran."

"Hindi pa lumalabas ang baby, hindi pa tayo mag-asawa, pero may utang na agad tayo?" mahinahon kong tanong.

I love him, yet I can't disregard practicality. Our social status are far different, I don't expect that Alek would understand me right away. But I'm willing to explain this to him over and over until he gets it.

"Once the baby's born, we won't live together?"

Umiling ako. "Not yet perhaps. But we can still take care of the child together while living apart. Ang gusto ko lang sana, huwag tayong bastang magpapakasal dahil lang nabuntis mo ako. I value your good intentions. Pero ayokong mas lalo tayong mapasubo sa mga bagay na hindi pa natin kayang pasukin talaga."

Ito lang ang pinakamalinaw sa isip ko sa ngayon. Hindi pa 'ko handang magpakasal at hindi naman kailangang magmadali ni Alek.

Hindi pa rin siya umimik at iniwasan ako nang hahawakan ko sana siya.

"Alek—"

"Tao po! Harana?"

Sabay kaming napatingin ni Alek sa may pintuan. Lumubog na ang araw pero may humabol pang hindi ko inaasahang bisita.

Lumapit ako sa may pinto kahit natunugan ko na sa boses kung sino ang nasa labas. Binuksan ko iyon at bumungad sa 'kin si Calysta!

🧡

"I'm telling you this as a concerned friend. Please, go back to Sta. Carmina and finish your studies. We're down to one semester. Kahit pagkatapos ng graduation, umalis ka ulit. Magtrabaho kahit saan mo gusto." Calysta sighed and seriously looked at me.

"Hindi ka pipilitin ni Lolo sa kahit ano, Harana. Kahit sa iba ka rin tumira habang nasa Sta. Carmina ka... Hindi kami magpipilt na i-recognize mo kaming mga De Haro as your family. Just go back for a while to finish college. Wala kang maririnig kina Lolo, kina Daddy kung ayaw mo..."

DHS #1: Burning SlowlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon