Chapter 18

743 28 0
                                    

Chapter 18

Present time...

         Naghahanda na 'kong harapin ang nagbabagang galit ni Alek habang naglalakad siya palapit sa 'kin.

         Napapikit ako at napayuko nang tumigil siya mismo sa harap ko. Mabibigat ang hampas ng dibdib ko at parang gusto ko na namang umiyak.

         "Aleksander, hijo. Nandito ka pala." Si Itay.

         Napaatras ako nang marinig ko ang tigas ng boses ni Alek sa pagsagot. "May umalis kasi, Itay. Hindi man lang nagpaalam nang maayos."

         Napalunok ako at tuluyan nang nagtago sa likod ng tatay ko.

         Napabuntonghininga si Itay. "Tumuloy ka muna sa loob, hijo. Eksakto't maghahanda na kami ng tanghalian. Sumalo ka na, ha?"

         "Opo."

         Kumapit ako sa braso ni Itay at tahimik kaming pumasok sa tinutuluyan namin. Nararamdaman ko ang talim ng titig sa 'kin ni Alek mula sa likod. Tahimik siyang sumusunod sa 'min.

         "Maupo ka muna, hijo. Magpahinga ka. Mahaba ang naging biyahe mo, ano?"

         "Kaninang madaling araw po ako nag-umpisang bumiyahe. Mula sa Sta. Carmina patungong Isabela. I caught a flight from Isabela to Manila, then another flight from Manila to Ozamiz. I travelled by land for an hour and a half to get here now."

         Nanatili pa rin akong nakayuko. Tahimik kong kinuha ang ibang supot ng mga pinamili namin kay Itay. Doon na lang muna ako sa likod ng bahay kung saan may lutuan.

         "Paano mo palang nalamang nandito kami, hijo?"

         "Na-trace po kayo ng mga De Haro pagkatapos ng ilang araw," Alek dryly answered. "Nagbigay din po si Inay Himig ng mga posibleng puntahan niyo at isa po ito sa tinuro niya. May malapit na kaibigan daw po kayong taga-rito."

         At the mention of my mother and the De Haros, I felt a tighter pain in my chest. Hindi na 'ko galit na galit, pero mabigat pa rin ang pakiramdam ko sa kanila.

         Nakatalikod na 'ko at papunta na sana sa kusina nang maramdaman kong pinigilan ako ni Itay.

         "Anak, ikaw munang bahala kay Aleksander habang naghahanda ako ng tanghalian."

         Napatingala ako kay Itay kasabay nang hindi na maayos na tibok ng puso ko. Namilog ang mga mata ko.

         Tiningnan ako ni Itay nang kalmado, ngunit makahaluguhan. "Sige na, anak. Kausapin mo muna ang nobyo mo."

         Napalunok ako sa pagkakadiin ni Itay sa huling dalawang salita. Kinuha nito ang mga supot na bitbit ko at dire-diretsong lumabas sa likod ng bahay.

         Napapikit ako at humugot nang malalim na hininga. Pagbaling ko kay Alek, nakaupo na siya sa parihabang sofa na gawa sa kawayan. Nakasandal siya habang naka-parte ang dalawang hita, nakahalukipkip at nakatingin nang mariin sa 'kin.

         Umupo ako sa katapat na bamboo sofa at nilakasan ang loob kong harapin na siya. Bakit ba nawala sa isip kong puwede ring si Alek ang mabilis na makasunod dito?

         "Kailan ka babalik ng Sta. Carmina?" seryosong tanong ni Alek. Hindi ko na inaasahang makikita ko ngayon ang mga ngisi at ngiti niya. Malinaw namang galit siya sa ginawa ko...

         "H-Hindi ko pa alam. Baka h-hindi na..." mahina ko namang sagot.

         "Wala ka na palang planong bumalik, sana man lang nag-text ka," sarkastiko niyang saad. He leaned forward and put his elbows above his knees. Pinagsalikop niya ang mga kamay niya at halatang nagpipigil lang na abutin ako.

DHS #1: Burning SlowlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon