Chapter 11

639 24 2
                                    

Chapter 11

"Bakit ba kasi ganoon na kayo ka-close ni Aleksander? I'm getting suspicious! Laging nakabuntot iyon sa 'yo, Harana!" bungad agad sa 'kin ni Calysta nang pumasok ako sa kuwarto niya para maglinis.

"Good morning din, Caly," ngiti ko sa kanya at saka binaba ang walis, dustpan, at mop. "Maglilinis lang ako rito sa kuwarto mo."

Lumabi siya at hinila ako paupo sa kama niya. Hindi na 'ko nakapalag at sinalubong niya talaga ang mga tingin ko.

"Hindi lang ako masyadong umiimik because I'm being considerate. May pinagdadaanan daw kasi si Alek sa family, sabi sa 'kin ni Magnus, kaya hindi ko masaway. But even so, my god, Harana! Masyado na kayong close kaysa noong mga nakaraan! Tuwing may free time, lagi kayong magkasama o nawawalang dalawa!"

Napalunok ako at medyo kinakabahan. Ayokong magsinungaling at magtago kay Calysta. Siya ang best friend ko, pero alam kong sobrang tutol din siya kay Alek. Sa sandamakmak ba namang warnings niya sa 'kin na hindi ko sinunod...

Pero naisip ko rin, ito na siguro 'yung timing na hinihintay ko para ma-ipaliwanag sa kanya kung anong namamagitan sa 'min ni Alek.

"Caly, napansin mo namang nagsisikap na ngayon si Aleksander, hindi ba? Hindi na siya gumagawa ng kahit anong violations sa campus. Tapos, hindi na rin siya nambababae..."

Umangat ang kilay niya sa marahan kong pagpapaliwanag. "And so?"

"Dalawang linggo na lang, finals na for this sem. Ang tataas ng grades niya mula prelims. Makikita mong may changes talaga sa kanya," pagpapatuloy ko. "At diba, nabanggit ko sa 'yong napakagaan niyang thesis partner? Kasi lahat ng pinaghahatian naming tasks, nagagawa niya talaga on time. Tingnan mo at ahead pa kami sa thesis writing."

Hindi ko alam kung talagang advance lang kasi kaming natatapos ni Alek sa pagpapasa ng requirements sa thesis kaya lagi kaming may extra points kay Miss L...

O dahil binibigyan ni Miss Linares ng pabor si Alek dahil "lover" nito si Mr. Conrado?

"Hara?"

Tumingin ako kay Caly. Tumikhim. "Ang ibig kong sabihin, may hindi magandang reputasyon si Alek noon na hindi rin naman siya proud. Pinagsisisihan niyang ginawa niya. Alam na niyang mali ang mga ginagawa niya kaya tinigil niya na. He even quit smoking. Hindi na rin siya nagka-cut ng classes kasama ang barkada niya. Hindi na rin siya masyado gumigimik..."

Ako na lang lagi ang kasama ni Alek. Doon kami sa apartment niya gumagawa ng thesis at nagtuturuan ng lessons.

Hindi na ulit kami nag-make love pero... Ewan ko kay Alek, ang daming paraan! He taught me to touch each other without having any penetration. Kaya parang ganoon din! Nakaka-guilty pa ring hindi nga ako mabubuntis, pero may nangyayari pa rin sa 'min.

Hindi ko talaga nakikilala ang sarili ko kapag may nagniningas na apoy sa pagitan namin ni Alek. Hindi talaga ako makatanggi kapag nagsimula na siyang halikan ako.

"People don't change overnight, my sweet Harana. Huwag ka masyadong nagpapadala diyan kay Alek. I already warned you. Stay professional. Stay as thesis partners. Sige, friends na siguro kayo ngayon. Pero kapag lumagpas diyan, pinapahamak mo na ang sarili mo."

"Caly, ganyan lang ang iniisip mo kasi may idea ka lang kung ano si Alek pero hindi mo talaga siya kilala ng lubos," depensa ko. Napagsasabihan ko naman si Calysta kapag alam kong ako ang nasa tama. Walang anak ng amo at anak ng katulong sa 'ming dalawa.

"If you give him a chance to be your friend, makikita mong he's more than what we see. Siya 'yung taong hinding-hindi sasayangin 'yung chance na nagtiwala at naniwala ka sa kanya."

DHS #1: Burning SlowlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon