Chapter 19

780 25 2
                                    

Chapter 19

"Ang lungkot naman po niyon, 'Tay Salmo..."

         "Ganoon talaga, hijo! Pero wala akong sinisisi, ha? Basta nagmahal ako nang totoo, sapat na 'yon. Kaysa hindi ako nagmahal? Kaysa hindi 'ko naranasang sumaya? Nagpapasalamat na lang din ako sa asawa ko, kasi kahit hindi niya siguro ako minahal nang katulad sa pagmamahal ko sa kanya, pinagsilbihan niya rin naman ako. Nadama ko namang binigyang halaga rin ako ni Himig kahit papa'no. Naging isang masayang pamilya kami. Hinayaan niyang maging tatay ako kay Harana. Ang dami-dami rin naming masasayang araw. Iyon nga lang, tapos na iyon... Hanggang doon lang talaga."

         Malungkot akong naglakad patungong banyo at pagkatapos ko gumamit ay sinilip ko ulit sila. Nagusot ang ilong ko nang nakitang naninigarilyo pa silang dalawa!

         Pero nanatili akong tahimik at nagtago sa likod ng pintuan.

         "Paano, Itay, kapag sumunod si Inay Himig dito? Kunwari lang po, kunwari lang. Tapos inaya kang bumalik ng Sta. Carmina? Gusto niyang i-work out pa ang marriage niyo?"

         Tumawa si Itay. May tama na talaga ng alak. "Hindi na iyon."

         "Kunwari nga lang po."

         "Hindi nga 'yan mangyayari."

         "Kunwari nga po nangyari, 'Tay." Pangungulit ni Alek na mukhang may tama na rin ng alak.

         Natawa na naman si Itay. "Hindi ko na rin kayang bumalik ng Sta. Carmina, Aleksander. Tapos na ang serbisyo ko sa mga De Haro. Napangakuan ko na ang kaibigan kong itutuloy ko na ang pagso-sosyo sa negosyo niya rito. Nagsisimula na 'ko ng bagong buhay...

         "Si Harana, puwede mo pa 'yang mapilit bumalik doon. Nandoon ang tunay niyang pamilya. Bigyan lang natin siya ng oras matanggap lahat. Maawain lang talaga si Harana, kaya ayaw niyang mag-isa lang ako. Ang bait-bait ng batang 'yan. Pero, ako, ayos na 'ko rito. Matanda na 'ko pero hindi pa siguro huli para ituloy 'yung una kong pangarap."

         "So, dito lang po kayo? Paano kung samahan kayo ni Inay Himig dito?"

         "Hindi... hindi naman mangyayari iyon."

         "Kunwari lang po."

         "Kanina ka pa sa mga kunwari mo, hijo. Ang kulit-kulit mo."

         Tumawa si Alek. "Nagtatanong lang naman po. Kasi 'Tay, isipin mo, ha? Alam na pala nina Don Eloy at ng mga De Haro ang tungkol kay Harana. Hinihintay lang talaga nilang si Inay Himig ang magsabi ng totoo. Bakit hindi niya po masabi-sabi sa loob ng dalawang dekada? May kinatatakutan si Inay, hindi po kaya?"

         "Ayaw niya sigurong mapahiya si Don Eloy na may anak ito sa katulong."

         "It doesn't make sense, 'Tay. We all know that the De Haros don't care about social statuses. They can silence Sta. Carmina if it's for Inay Himig and Harana's protection, even. For sure, Inay also knows that. Pero bakit hindi pa rin masabi sa 'yo nang mahabang panahon?"

         "Natatakot sigurong mahusgahan dahil may asawa siya at iba ang ama ni Harana?" Biglang napahinto si Itay. "Pero wala rin naman masyadong pakialam si Himig sa sinasabi ng mga tao noon pa. Tinutukso na siyang matandang dalaga noon, pero tinataasan niya lang ng kilay."

         "See, Itay? I got one theory, though."

         "Theory? Ano?"

         "Natatakot siguro si Inay na kapag nalaman mo ang totoo, iwanan mo siya katulad ngayon, Itay." Alek concluded. "Maybe she loved Don Eloy first, but she loves you enough now that she cannot take it if you leave her."

DHS #1: Burning SlowlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon