Chapter 15

707 25 2
                                    

Chapter 15

"Harana, you have me worried! I was calling you non-stop! Saan ka ba pumunta? Bakit hindi mo 'ko hinintay?!"

Mukha ngang alalang-alala si Alek mula sa kabilang linya.

"I don't know what to do! You won't reply! Sabi mo pa kanina, medyo masama ang pakiramdam mo kaya nag-aalala ako kung napaano ka na!"

"Pasensya na, Alek." Napabuga ako ng hangin. "Gusto ko lang magpahinga muna kaya hindi na kita nahintay. Nakatulog na 'ko..."

"Anong sinakyan mo kanina? Nag-jeep ka pa ba sa lakas ng ulan? Paano kang nakauwi? Baha na ang daanan papunta sa mga De Haro!"

"Wala pang baha kanina dahil humina naman ang ulan ng dalawang oras. Ngayon na lang ulit lumakas nang nasa bahay na 'ko."

Sa kabila ng mga nalaman ko ngayong araw, pinili ko munang magpakahinahon.

Umiyak na rin naman ako sa clinic at mabait ang doktora na inalo ako. Wala akong sinasabi, umiiyak lang. Wala itong ibang pasyente. Kaya't ako lang ang inasikaso hanggang sa kumalma ako at nasa huwisyo na para makauwi.

Napatingin ako sa labas ng bintana. Marahas ang buhos ng ulan at malakas ang ihip ng hangin sa bawat dahon ng mga puno. Parang pinauwi lang talaga ako ng langit, para hindi na 'ko maabutan ng ganitong kasamang panahon.

"I want to go there. Gusto kong lumusong sa baha pero hindi kakayanin ng pick-up. I'm frustrated! Gusto kitang puntahan para makita ko mismo na ayos ka lang!"

"M-Maayos lang ako, Alek. Magpapahinga na ulit ako. Inaantok na ko..."

Huminga siya nang malalim. "Okay, go to sleep but don't hang up. Let's keep this call on until you wake up again."

"Alek, mahal ang load."

"It's charged to my phone, anyway. Ako nang bahala roon! Take a rest, baby." Lumambot na ang boses niyang may halo-halong emosyon. "Maghihintay lang ako rito. Oras na tumila ang ulan at bumaba ang baha, pupuntahan agad kita diyan!"

May pumipiga sa puso ko. Siguro kailangan ko na siyang tanungin tungkol sa sinabi ni Buena hanggang sa hindi niya pa 'ko kayang lapitan. Napalunok ako at pumasok na sa kuwarto ko.

Maingat akong umupo sa gilid ng kama ko. "Alek, may kailangan akong tanungin sa 'yo. Gusto ko lang ng diretsang sagot. Oo o hindi. Walang paliwanag."

"Babe?" Parang nagulat siya sa biglaan kong pagsasabi niyon.

"Please be honest with me," may kalakip na mahinang pagmamakaawa ang boses ko.

"Okay, but.... What's it about—"

"Totoo bang may pustahan kayo ni Jakobe tungkol sa 'kin?" diretsa ko agad na tanong bago pa magbago ang isip ko.

Nang biglang natigilan si Alek mula sa kabilang linya, alam ko na.

"W-W-Where did you...?! Harana, it was a stupid bet na hindi ko—"

"Oo o hindi lang, Aleksander," mahina subalit mariin ang boses ko. "Hindi ako magagalit kung hindi ka magsisinungaling ngayon."

Nanahimik ulit siya. Hanggang sa narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga. "I-I'm sorry... Y- Yes..."

Napalunok ako. Totoo ang sinabi ni Buena. "Pinagpustahan niyo kung maaakit mo 'ko katulad ng halos lahat ng babaeng may gusto sa 'yo, Aleksander?"

"Harana, it was—"

"Oo o hindi lang, please." Pahina na nang pahina ang boses ko.

"Oo..." Parang sumuko na rin siya sa kabilang linya nang mapagtantong hindi talaga ako tatanggap ng paliwanag.

DHS #1: Burning SlowlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon