Chapter 9

683 26 4
                                    

Chapter 9

"We're worried na nga kay Lolo. Ayaw niya talagang lumabas ng kuwarto. Even my Dad and Tito can't get in. Sinubukan namin suyuin pero ayaw pa rin," nakalabing pagkukuwento ni Calysta kay Magnus.

Nasa tabi lang nila ako habang nagre-rewrite ng notes sa notebook ko. May biglaang free time kami dahil wala ang professor.

Si Aleksander naman ay nasa isang tabi ko rin at may binabasang printouts na nakuha namin sa internet tungkol sa proseso ng paggawa ng cassava feeds. Kaming apat lang ang natira sa loob ng room pagkatapos lumabas ng iba naming blockmates.

"Kapag may sakit si Lolo, he gets really stubborn. Buti na lang kinakain niya 'yung foods na dinadala sa kanya ni Harana every night."

"I think as long as your grandfather isn't asking for help, he's okay," Magnus commented. "And as long as he can eat, may lakas pa siya kahit one meal a day lang."

"Really, Mags? Lolo's going to be okay?"

"Huwag kang mag-alala, Caly," singit ko na sa usapan. Hinawakan ko siya sa braso. "Ayos lang si Don Eloy. Nakausap ko siya kagabi at ayaw niya lang talagang may ibang naaabala kapag may sakit siya."

"Ikaw lang ang kinakausap ni Don Eloy since the incident?" Sumingit na rin sa usapan si Alek.

Ayaw pa rin siyang nakakasama ni Calysta, pero wala namang nagagawa ang pag-angal nito dahil tabi nang tabi at sama pa rin nang sama si Alek palagi. Hanggang sa hinayaan na lang ni Caly. Lalo na nang natapos ang midterms at isa na naman si Alek sa high scorers sa dalawang subjects namin. Parang malapit nang maniwala si Caly na nagbago na si Alek ngayong huling taon namin sa kolehiyo.

"Ahm, kinakausap niya rin naman si Inay. Kasama ko si Inay kagabi sa paghatid ng pagkain. Tapos si Itay din tuwing umaga at may mga inuutos siyang trabaho."

"It's been two weeks, though. Sana gumaling na si Lolo." Caly sighed. "Ang lungkot sa house kapag hindi ko naririnig or nakikita si Lolo."

Inakbayan ni Magnus si Calysta at biglang nagkaroon na sila ng sariling mundo. Binalik ko na lang ang pansin ko sa notebook ko at hinayaan na lang silang mag-nobyo.

Mas tumabi sa 'kin si Alek nang mapansin niyang may sariling mundo na nga ang dalawa. "Hindi ka pa tapos diyan? Gusto mo, ako na lang ang mag-rewrite?"

"Tamad ka ngang kumopya ng notes, ikaw pa magre-rewrite nito?" pabiro kong sabi.

He chuckled and looked at my hand. "Baka pagod na ang kamay mo. Akin na."

Inabot ko sa kanya ang ballpen.

Tumawa na naman siya at umiling. "Akin na ang kamay mo. I'll massage it."

Pinanlakihan ko siya ng mata. Lumingon ako nang bahagya sa mga kasama namin. Nakayakap na si Magnus kay Caly kaya't ang buong katawan nito ay nakatalikod sa 'min ni Alek.

"Wala namang nakatingin," bulong pa niya.

"Ikaw na lang magtuloy nitong pag-rewrite ng notes. Iyon naman ang una mong in-offer," sabi ko sa kanya at saka binigay ulit ang ballpen.

Pero hindi lang ballpen ang kinuha niya, pati kamay ko!

"Aleksander!" Mahina kong saway sa kanya. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero hinawakan niya nang mas mahigpit iyon. Pagkatapos ay dinala sa tapat ng dibdib niya.

"Ang bilis ulit ng tibok ng puso ko. Patay na patay yata talaga sa 'yo. Laging excited kapag nakikita ka," nakangising bulong niya.

Ang bilis nga ng tibok! Mula nang dinala niya 'ko sa future cassava farm niya, lagi nang tinatapat ni Alek ang kamay ko sa dibdib niya. At hindi ako tumatanggi sa tuwina dahil...

DHS #1: Burning SlowlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon