Panimula

1.2K 35 18
                                    

"Urghhh, wait nga. Stop muna tayo, Stop Stop!" Tuloy tuloy na sambit ni Aya habang nakataas ang kamay dahil sa paguutos ng paghinto ng music.

"What's your problem Aya?" Tanong naman ng kanyang kaibigan.

"Should I be the one to ask you that Eli? Anong problema? Kanina ka pa wala sa sarili, wala ka rin sa timing tuwing nagppractice tayo" wika ng kanyang kaibigan, natahimik naman saglit si Eli.

"You want to take a rest first? Let's continue this after lunch nalang. You want us to talk muna? You can tell me what's wrong El" napangiti ng mapait si Eli sa kanyang kaibigan.

"Nothing Aya, just a little misunderstanding with dad"

Aya heaved a deep sighed as she sat down beside Eli.

"Sorry, Hindi ko dapat dinadala dito yung mga iniisip ko. I just can't help it, sorry aya. Promise gagalingan ko na para di ka nadadamay"

"Silly It's fine. We can take a rest muna but promise me na maayos na mamaya okay? Don't worry I'll treat you later once na maperfect na natin ito"

Tumango si Eli sa sinabi ng kaibigan.

"Kung bakit ba naman kasi ako ang napili mo na kasama mong kumanta eh. You know naman na I hate singing lalo na kung marami ang manonood"

"You have a wonderful voice El, ayaw mo lang iparinig sa amin. I don't know your reason but ang alam ko I should make a move para lumabas ka sa comfort zone mo, to let people know na you are a good singer na you have a talent" hindi nalang sumagot si Eli sa sinabi ng kaibigan dahil totoo naman ito.

Alam niyang may talento siya sa pagkanta pero ayaw niyang gamitin iyon. Gusto niya nalang itago ng habang buhay ang talentong iyon.

-------

"Okay na? Can we start again?" Aya asked, Eli just nod her head

Aya play their background music and they started to sang.

"Hindi talaga natin makuha yung tamang tyempo dun, paano ba kasi yun?" Parang stress na sambit nito.

"At ng lumigaya, hinango mo sa dusa" pagkanta ni Eli.

"Mali pa rin, I mean its okay naman but something is off with that line"

"I agree"

Inulit ulit ni Aya at Eli ang pagkanta si Linyang iyon pero bigo sila na mapakinggan ang gusto nilang marinig.

"You can have a short pause after the word 'ng' and then pwede mong pahabain unti yung 'hinango' kahit na hindi siya mataas basta try to sing it wholeheartedly" nagulat ang dalawa nang biglang may magsalita.

Sinundan nila ng tingin kung saan nanggagaling ang boses, gulat na gulat ang dalawa lalo ni si Eli sa nakita.

Bakit siya nandito? What is she doing here?

"Opss, sorry girls for interrupting you both. I heared kasi na you guys are singing and medyo nahihirapan ata kayo sa line na yun"

"M-ms Irene" mahinang sambit ni Aya bakas parin ang gulat, lalo na sa kaibigan niyang si Eli na hindi makapagsalita.

"You guys know me?"

"Opo naman po, sino pong di makakakilala sainyo" mukhang nabalik na sa wisyo si Aya na nakikipagusap na sa babaeng nasa harapan nila.

"Can I join you guys? Iayos lang natin saglit yung line na nahihirapan kayo and then I'll go ahead na" sambit nito agad namang tumango si Aya, si Eli ay di parin mapigilan ang pagkagulat.

Fate's ThornWhere stories live. Discover now