Kabanata Labing-siyam

406 36 6
                                    

GREGGY.

"Eli let's talk" seryosong wika ni Greggy nang makitang papasok na sa bahay nila si Eli.

Lagpas alas nwebe na ng gabi at kauuwi lang ng anak nito. Habang magkausap sila ni Irene kanina sa office nito ay nakatanggap siya ng message galing kay Aya na kasama nito si Eli at late makakauwi.

Ramdam na ramdam ni Greggy ang disappointment ni Irene nang hindi siya nito siputin ng anak nila. Hanggang ngayon ay gulat parin siya na malaman na ilang buwan nang magkakilala ang dalawa, hindi nga lang nila alam na mag-ina sila.

"Good evening dad" mahinang bati ni Eli at dumiretso palapit sakanya para bumeso dito.

Greggy tapped the sofa beside him, telling eli to sit there at maguusap sila.

"Sorry daddy" inunahan na ni Eli ang daddy niya, alam naman niya na maguusap sila dahil sa hindi niya pagdalo.

"You really don't have urgent meeting with your groupmates am I right? You just said that as an excuse, tama ba?"

Nag aalinlangan si Greggy na pumayag na magkikita sila pero hindi niya gusto ang ginawa ng anak. Mali na pinaghintay at pinaasa niya Si Irene.

"Sorry, napangunahan ako ng takot. Hindi pa pala ako ready na makilala siya, pasensya na daddy" wika ni Eli at maya maya ay umiyak na ito.

Agad na lumapit si Greggy para aluin si Eli.

"She went to my office, she was very disappointed El. Iyak rin siya ng iyak, she was blaming herself---"

"Kasalanan naman nya diba? Wala naman siyang ibang masisisi kundi sarili niya" sagot ni Eli

"Kasalanan nga nya El, pero dapat mo bang gantihan ang isang kasalanan ng isa pang kasalanan? If you're not ready to meet her and know her edi its fine, she can wait naman daw eh. But you made her hope anak, she waited for you---"

"I waited for her also Daddy, naghintay ako ng labing anim na taon para bumalik siya, ano ba naman yung ilang oras lang na paghihintay niya"

Napapikit si Greggy, nasasaktan siya sa nangyayari sakanila. Gusto niyang magalit sa anak dahil mali ang ginawa nito pero naiintindihan niya rin kahit papaano ang anak niya.

"Do you still want to meet her?"

"I do, pero pwede bang tsaka nalang pag ready na ako? Sorry dad"

"Ako na bahala El, just tell me when do you want to meet her and please make sure na readyng ready ka na pag sinabi mong kikilalanin mo na siya" tumango si Eli.

"Alright. Sorry again. Let's sleep na daddy, goodnight loveyou"

______

"Did I disturb you from sleeping?" Tanong ni Greggy kay Irene nang sagutin nito ang tawag niya.

Pagkaakyat nila sa kani-kanilang kwarto ni Eli ay agad na tinawagan ni Greggy si Irene para sabihin ang desisyon ng anak nila.

"Nah, its still early. Gustuhin ko man matulog pero di ako makatulog" sagot ni Irene. "Why did you call pala, nakauwi na ba si Eli?" Tanong ni Irene.

Casual na silang magusap na dalawa, may galit parin si Greggy kay Irene at hindi iyon mawawala pero okay na siya na sa mga casual na usapan basta para sa anak nila.

"Yeah, she just came home and we had a talk that's why I called you after we talked"

"What did she say?"

"She's not yet ready to meet you Irene, Im sorry" diretsahang wika ni Greggy. Natahimik saglit ang kabilang linya

"Its fine, I already expect that" simpleng sagot ni Irene. Ramdam ni Greggy na hirap itong nagsalita, maybe pinipigilan niya na wag umiyak.

Fate's ThornWhere stories live. Discover now