Kabanata Dalawampu

408 38 8
                                    

"El do you have any errands today?" Tanong ni Greggy kay Eli na papalapit sa Dining, kagigising lang nito.

"Yup daddy, I'm meeting someone po" napakunot noo si Greggy.

"Sinong someone yan El? Still not allowed to have a boyfriend diba?" React niya, natawa naman si Eli.

"It's Tita Dawn's friend. Wanna meet her too?" Tanong ni Eli par makita ang reaction ni Greggy.

"Oh I want sana kaso I have things to do. Pahatid ka nalang kay Manong Roger mamaya anak" tumango si Eli.

Wala talagang plano ang daddy niya na sabihin sakanya ang tungkol kay Irene.

Sabay silang nagalmusal ni Greggy at piniling wag nalang isipin ni Eli ang tungkol kay Irene kahit pa pumayag siya na magkikita sila mamaya.

Hindi tuloy niya alam paano umakto ng normal ngayong alam niya na ang totoo, at hindi nila alam na alam na niya ito.

Pagkatapos nilang kumain ay agad nang nagpaalam si Greggy na papasok na ito sa trabaho, si Eli naman ay tumungo muna sa kwarto niya para humiga at magtamad-tamadan muna. 11am pa kasi sila magkikita ni Irene dahil ala sais daw ang out nito sa hospital, para may ilang oras siyang tulog bago sila magkita.

_____

IRENE.

"Thanks Doc, enjoy po kayo sa date niyo" nang-aasar na sambit ni Nurse Karen matapos niyang abutin yung bigay ni Irene na pagkain.

Ala-sais na ng umaga kaya naman nakaready na si Irene para umuwi. Dumaan muna siya sa isang cafeteria sa gilis ng hospital para bumili ng pagkain at binigyan niya ang mga kasama niya.

"Sus karen ayan nanaman kayo" sagot niya.

"Yieee si Doc may kadate kaya nirequest na hanggang 6 lang siya" pang-aasar naman nung isang nurse.

"Kaya pala excited si Doc eh"

"Aba pinagtutulungan niyo na ako bawiin ko kaya yang binigay ko? Osiya aalis na ako, bye sainyo" agad na paalam niya bago lumabas na ng hospital.

Papikit pikit na siya habang nagddrive, 12hours kasi ang duty niya ngayon bukod sa may surgery silang ng ilang oras ay nagrounds pa ito sa mga patiente niya

Pagkarating ni Irene sa Condo niya ay na siyang dumiretso sa kwarto niya para maghalfbath muna at makapagpahinga.

_____

Hello Tita, I'm here na sa cafe. Are you on your way to pick me up na?

I'm just here inside the cafe po, message me once you're on your way na.

You're not replying to my messages, are you still asleep?

Tuloy po ba tayo? I'm just here sa cafe, I'll wait for you.

Tulot tuloy na basa ni Irene pagkagising niya. Halos mahigit isang oras na simula nung magmessage si Eli kaya naman kumaripas ng kilos si Irene. Agad niyang dinial ang number ni Eli para tawagan ito, gladly after three rings ay sinagot niya ang tawag.

"El! Sorry hija, hindi ako nagising sa alarm ko. Are you still there?" Kabado niyang tanong.

Pinaghintay mo ba naman ng isang oras.

"Yes po, pero paalis na po sana ako. Tuloy po ba tayo?" Napapikit si Irene. Kung bakit ba naman kasi hindi siya nagising sa tamang oras.

"Okay lang ba sayo kung tuloy tayo or uuwi ka na? Sorry El, hindi ko namalayan yung oras"

"Its up to you po, take more rest nalang po siguro? I know you're tired rin sa work" sagot ng bata, parang hindi naman ito galit pero alam niyang may unting pagtatampo.

Fate's ThornWhere stories live. Discover now