Kabanata Dalawampu't Isa

416 35 3
                                    

"Still not hungry El?" Tanong ni Irene kay Eli na busy sa panonood sa condo niya.

Lagpas alauna na ng hapon pero hindi pa kumakain sa Eli. Hindi rin ito gaanong nagsasalita, sumasagot lamang ito tuwing may itinatanong si Irene.

"Hindi pa po, gutom ka na po ba?"

Nag-alanganin pang sumagot si Irene bago tumango.

"Hindi pa kasi ako kumakain simula kagabi, can we eat na? I can't eat alone lalo na you're here" sagot ni Irene.

Nakaramdam naman ng guilt si Eli at tumango.

Nagtungo sila sa Dining at sinimulan na nilang kainin ang pagkain na inorder ni Irene.

Habang kumakain ay napapatingin si Eli kay Irene, tahimik na rin ito mukhang napansin ni Irene na wala sa mood si Eli kaya naman nanahimik na rin siya. Halos wala silang kibuan hanggang sa matapos silang kumain.

"Ako na po bahalang maghugas ng mga pinggan" wika ni Eli

"Just put it there ako na bahala mamaya" sagot ni Irene but Eli insists on washing the dishes.

Pagkatapos hugasan ni Eli ang mga pinggan ay nagtungo siya sa sala kung saan naroon si Irene. Dire-diretso siyang naglalakad pero napahinto siya ng makarinig ng mahinang hikbi. Sumilip siya sa sala at nakita si Irene na nakatalikod habang gumagalaw ang mga balikat at umiiyak.

Parang kinurot ang puso ni Eli sa nakita kaya pinili niya nalang na wag munang pumunta sa sala, hindi niya alam kung paano kausapin si Irene dahil alam niyang siya ang dahilan ng pag-iyak nito.

Ramdam niya rin namang hindi sasabihin ni Irene sakanya na alam na nito na siya ang anak niya, ganun din kay Eli hindi ito papayag na malaman ng kahit sino na alam niya na ang totoo.

Nanatili si Eli sa Kusina ng mahigit limang minuto, sinilip niya ulit si Irene at nang makitang hindi na ito umiiyak ay lumapit na siya dito.

"What took you so Long El?" Normal na tanong ni Irene na para bang di ito umiyak.

"Nagcr lang po" palusot niya

"What do you want to do?"

"Okay ka lang po?" Imbes na sagutin ni Eli ang tanong nito ay tinanong niya si Irene.

"Yeah Im fine, ikaw ba? Sorry El, alam kong nawala ka sa mood kasi nalate ako---"

"Sorry po kung--"

"Don't be sorry anak, I understand. Okay na ba tayo? You still want to go out?"

"Can we stay here nalang po? Let's watch some movies po"

"Sure anything you want hija. Ihahatid kita pauwi ha? Let's eat dinner outside, okay lang ba?" Tumango nalang si Eli.

Naghanap sila ni Irene ng mapapanood at habang nanonood ay nakasandal siya kay Irene. Dinama niya nalang yung oras na yun dahil kahit papaano alam niyang gusto niyang mapalapit sa nanay niya.

_____

"Nagfile ka po ng leave sa work mo?" Tanong ni Eli.

Lagpas ala-syete na at nasa biyahe sila dahil ihahatid na ni Irene si Eli sa bahay nila.

"Yup, 2 weeks"

"Mahaba rin po pala" tumango si Irene

"Yup, since nakauwi kasi ako I didn't have time to rest and relax kasi diretso work ako"

Aaminin ni Eli, may unting pangungulila na siya isipin palang na aalis si Irene at mawawala ng dalawang linggo.

Paano nalang kung nagkakilala na silang mag-ina at umalis ulit ito? Paano nalang si Eli?

Fate's ThornWhere stories live. Discover now