Kabanata Apatnapu't Dalawa

487 45 12
                                    

"Happy Birthday to you, Happy Birthday to you, Happy Birthday Happy Birthday, Happy Birthday to you" kanta ni Greggy kasama si Nanay Rose, Tatay Roger at iba nilang kasama sa bahay na kasambahay.

It's twelve o'clock midnight and They were singing a Happy Birthday song while walking inside Eli's room. Nakahawak si Greggy ng Cake at ang mga kasama sa bahay naman ay may tig-iisang balloon na dala.

Unti unting nagising si Eli, she removed her sleep mask. Nagulat nalang siya nang makita ang mga kasama niya sa bahay na ngiting ngiti habang kinakantahan siya.

"Wow naman" natutuwang wika niya.

"Happy Birthday El, daddy loves you so much. Make a wish and blow the candle" wika ni Greggy at lumapit sakanya para halikan siya sa noo bago ilapit ang cake sakanya.

She closed her eyes, and made a wish before blowing her candle.

"Happy Birthday Eli" sabay sabay na bati nila.

"Thank you so much po, thank you for your effort" wika niya.

"All for you anak" wika naman din ni Greggy.

"Oh picture na muna kayo Eli" wika ni Ate Minda, isa sa kasambahay nila.

Lumapit si Greggy sa anak at sabay silang ngumiti sa camera, pagkatapos naman nun ay lahat na sila ang nagpicture.

_____

"Are you sure na you don't want to have a birthday party El? I can contact your---"

"Daddy naman e, diba nakapag-usap na tayo? We'll just have dinner with your friends tomorrow. Diba alam mo naman na may dinner kami ni Doc ngayon?" She said.

"Fine fine, just update me later El ha? Magpapahanda pa rin ako dito sa bahay kahit unti lang para may pagsaluhan sila manang dito" tumango nalang si Eli.

"Are you done eating? Sumabay ka na sa akin, this is a special day so kailangan ako ang maghatid sayo sa school" wika ni Greggy, napangiti naman si Eli.

Nagpaalam na sila kila Nanay Rose bago sumakay ng sasakyan para ihatid siya nito sa school.

"What time is your dismissal El?"

"Around 4 dad, susunduin na ako ni Tay Roger tapos ihahatid niya ako sa restaurant by 7"

"Call me later ha? Ang mommy mo na ba ang maghahatid sayo pauwi?"

"Probably yes, basta I'll just update you later okay?" Greggy nods.

Today is Eli's birthday and she personally requested to Greggy to have a dinner with Irene. This was the original plan bago pa lamang niya makilala si Irene, ang makasama sa dinner ang mommy niya kaya tinutupad niya lang.

She checked her phone at andaming nagnnotif na bumabati sakanya, isa isa niya naman iyong nireply-an habang nasa biyahe pa sila patungo sa school niya.

"Happy Birthday again Eli, love na love ka ni daddy. Behave sa school okay?"

"Thanks Dad, drive safely ha? Love you more" wika niya bago bumaba ng sasakyan

Ngiting-ngiti na naglakad si Eli papasok sa school nila. May mangilan ngilan na bumabati sakanya ng happy birthday, hindi na siya nagtaka kung bakit alam nila dahil halos lahat ng studyante sa school nila ay kilala ang bestfriend niyang si Aya, at si Aya naman ay umagang umaga may post na sa social media na pagbati sakanya.

She entered their room and all of her classmates greeted her a Happy Birthday.

Ngumiti siya at nagpasalamat bago bumaling ang tingin kay Aya, kagagawan niya nanaman ito. Well, thank you na rin.

Fate's ThornWhere stories live. Discover now