Kabanata Tatlumpu't Tatlo

459 45 18
                                    

"Eli kumain ka na muna. Anong oras na oh, simula ng dumating tayo kanina hindi ka pa kumakain" wika ni Irene kay Eli pagkapasok niya sa kwarto nito.

Hapon na at hindi pa kumakain si Eli. Hindi siya nito kinikibo simula pagdating nila, diretso lang ito sa kwarto niya.

"I'm not hungry" sagot niya.

"Walang laman yung tiyan mo kanina pa. Baka magkasakit ka niyan" nag-aalala niyang wika.

"Mamaya nalang po, pakisara nalang yung pinto paglabas niyo. Salamat" napahinga ng malalim si Irene.

"Dadalhin ko nalang dito yung pagkain mo para pag nagutom ka may kakainin ka na agad" di na sumagot si Eli.

Bumaba muna ng kusina si Irene para dalhin ang pagkain ni Eli sa kwarto nito. Alam naman niya na hindi yun bababa at kakain lalo na nandito siya sa pamamahay nila.

Alam niya rin na ayaw ni Eli ang presence niya rito sa bahay nila dahil hindi pa sila okay pero wala siyang magagawa, kaysa naman sa maiwan si Eli mag-isa rito.

"How is she?" Tanong ni Greggy nang sagutin ni Irene ang tawag niya.

"H-hindi ko pa tinignan kung kinain niya na ba yung pagkain na nilagay ko sa kwarto niya"

"Thanks Irene, I will be home tomorrow. Bukas rin ang uwi nila manang"

"Mabuti naman at uuwi ka na, nagtatampo na yun sayo. Nakakalimutan mo na daw na may anak ka" wika niya.

"Yeah I know, nagkukulang talaga ako sakanya ng time lalo na pag ganitong pagkakataon. I'll make it up to her" tumango tango si Irene.

She badly wants to tell Greggy ang lahat ng nangyari sa baguio, ang naging sagutan nila ni Eli pero hindi niya masabi sabi. Maraming iniisip na problema si Greggy sa ibang bansa at ayaw niyang mag-alala ito.

"You okay? You looked so tired. Take a rest first" tumango si Irene, agad siyang nagpaalam kay Greggy at inend ang tawag.

Sumandal siya sa sofa sa sala at huminga ng malalim.

Umpisa palang ito Irene, wala pa ito sa kalingkingan ng problemang haharapin mo sa panunuyo sa anak mo.

______

ELIZABETH.

"Okay Dad, Take care" wika ni Eli sa daddy niya bago ibaba ang tawag nito.

Bumangon siya at tinignan ang mga pinggan na wala ng laman. Hinatidan siya ni Irene sa kwarto niya ng pagkain dahil alam nito na ayaw niyang kumain kasama siya, hindi niya sana kakainin ang hinatid na pagkain pero nagutom na rin siya

Tumayo si Eli at kinuha ang mga pinggan para ilagay na ito sa kusina. Sobrang tahimik ng bahay nila habang naglalakad siya pababa. Tumungo muna siya sa kusina para ilagay ang mga pinggan, hinugasan niya na rin ito.

Wala pa siyang Irene na nakikita.

Umalis na ba siya?

Nakarinig ng mahinang sounds si Eli sa may bandang sala kaya unti unti niya itong sinilip, nakita niya si Irene na nakasandal sa sofa habang nakaidlip, naka-on pa ang tv kaya malamang sa sobrang pagod niya ay natulugan niya na ito.

Hindi niya ito masisisi, siya nga pagkauwi nila ay pagod na pagod siya lalo pa kaya si Irene na halos naging punong abala sa lahat para lang maitawid ng maayos ang outreach program nila.

Dahan dahan siyang naglakad patungo sa sala para patayin ang tv pero napakagat labi siya nang mapansin ng nagising si Irene.

"Y-you need anything El?" Tanong niya. Parang gulat pa ito nang makita si Eli sa harapan niya

Fate's ThornWhere stories live. Discover now