Kabanata Walo

375 31 11
                                    

"Di ka galit? Kasi naman anak naisabay sa pagpunta ko ng pampanga" pagpapaliwanag ni greggy habang nasa hapagkainan sila ni Eli.

Umirap si Eli at natawa.

"Its fine daddy, ano ba"

Problemado si Greggy dahil ngayon ang araw ng Intrams nila Eli at ngayon rin ipperform nila Eli at Aya yung kantang ineensayo nila. Hindi naman makakapunta si Greggy dahil may site visit ito sa isang commercial building na ipinapatayo niya sa Pampanga.

"Bakit kasi di mo sinabi ng maaga edi nacancel ko sana? Wait I'll ca---"

"No need na dad, its just an intermission number nothing more special"

"Anong nothing more special? This is your second time to sing infront of people noh. Im glad napilit ka ni Aya, i should treat that yound lady" natawa si Eli.

"For the sake of plus grades kamo. I won't do this kung di ko kailangan" sabay irap na wika ni Eli.

Pangalawang beses niya palang na masusubukan kumanta sa harap ng maraming tao, yung unang pagkakataon ay nung 7th birthday niya, siya ang nagrequest sa daddy nya na kakanta siya dahil nalaman niya na mahilig sa musika ang mama niya.

Umasa si Eli na kung kakanta siya sa birthday niya ay darating ang mama niya, na kung gagawin niya ang mga gusto ng mama niya ay magugustuhan rin siya nito at magpapakita sakanya pero nabigo lang siya nung araw na iyon. Tandang tanda niya pa kung paano siya umiyak pagkatapos niyang kumanta dahil sa pagkabigo ng walang 'mama' na lumapit sakanya.

"Sus, aminin mo na you somehow miss singing na noh?" Pang-aasar ng daddy niya umiling nalang ito at nagpaalam na  sa daddy niya dahil mahuhuli na ito.

Nang makarating sa school si Eli ay agad niyang nakita si Aya, nasa may bench ito nakaupo kaya nilapitan niya ito.

"Bukas ang laro niyo, Good luck aya"

"Thanks El, nadala mo yung isusuot mamaya? After lunch ang pageant, pangalawa tayo sa magiintermission" pagpapaalala niya.

"Yup nasa music room nilagay ko muna dun" sagot ni Eli.

Hindi nga nagtagal ay tinawag na ang mga estudyante at pinaglinga by section para sa parade. Busy si Aya sa araw na ito dahil isa siya sa officer ng school kaya naman nakikisali siya sa pagpapaayos ng mga linya habang si Eli ay pumwesto sa pinakadulo ng linya ng section nila at sumunod lang.

________

"Ang ganda naman, paautograph po" biro ni Aya pagkalabas ni Eli sa cr ng music room. Suot suot na nito ang Filipiniana dress nito dahil yun ang napili nila na isuot mamaya sa intermission nila.

"Is it okay? Its kinda tight na, tumataba na ata ako" wika ni Eli.

"Sakto lang sexy mo nga eh"

Naupo si Eli sa tabi ni Aya. Nakinood na rin sila sa mga studyante na nagppageant, matagal pa unti ang turn nila para kumanta pero minabuti na nilang magbihis para nakaprepare na sila.

"Aya tawag ka ni Pres, may sasabihin daw saglit" wika nung isa ring officer kay Aya kaya nagpaalam muna si Aya kay Eli.

Nanood lang muna si Eli kahit ramdam na ramdam niya na ang kaba.

Nang matapos ang sports attire portion ay may naunang magintermission, rarampa ang mga candidates at sunod na sila Eli na kakanta pero di pa bumabalik si Aya.

Di na maipaliwanag ni Eli ang nararamdaman niya kaya nagcr muna ito.

"Whoo, you can do this Eli. Less than 5 minutes lang and then done na" pagccheer up niya sa sarili niya

Fate's ThornWhere stories live. Discover now