Kabanata Apatnapu't Tatlo

493 46 10
                                    

"Tawagin mo kami Greggy kung may kailangan kayo ha? Papanhik na kami. Eli hija, Happy Birthday anak. Mahal ka namin okay? Palagi mong tatandaan iyan" wika ni Nanay Rose nang makapasok sila sa Living Room ng bahay nila.

Sabay sabay na silang naglakad paalis, habang naiwan naman ang mag-ama sa sala.

Patuloy pa rin sa pag-iyak si Eli. Nakakapit lang ito kay Greggy at basang basa na ang damit niya dahil sa mga luha ng anak.

May naiisip na siyang dahilan kung bakit iyak ng iyak ang anak pero ayaw naman niya pangunahan ito, gusto niyang magkwento sakanya ang anak niya.

"Eli anak? What happened? Tell dad kung anong nangyari anak. Where's Irene? Bakit mag-isa kang umuwi? Nag-away ba kayo ng mommy mo?" Tuloy tuloy na tanong ni Greggy sa anak. Umiling iling si Eli habang nakakapit parin sa ama niya.

"Eli tell dad what happened. We will solve this kung ano man yung problema--- please anak, nahihirapan si Daddy makita kang ganyan"

"D-daddy---" iyan palang ang nasasambit ni Eli rumupok nanaman ang boses niya.

"Stop crying El, let's talk about this. Aatakihin ka nanaman ng asthma nito eh" nag aalalang wika ni Greggy.

She hold Eli's shoulder at iniharap niya ito sakanya. Eli wiped her tears at tumingin sa daddy niya.

"K-kailan niya ba ako magiging priority? I-isang gabi lang naman yung request ko dad, ilang o-oras lang yun p-pero n-nakalimutan niya pa. D-di naman ako nagkulang sa pag-papaalala sakanya, she even greeted me kaninang umaga at inulit ko nanaman yung tungkol sa dinner" iyak na kwento niya kahit na nahihirapan dahil sa mga hikbi niya.

"She didn't come?" May tono ng galit sa boses ni Greggy.

Umiling iling si Eli. Bakas sa mukha nito ang sakit na nararamdaman niya.

"I w-waited for two hours. N-nahihiya na ako sa mga customers kasi natapos na silang kumain, paalis na silang lahat pero naghihintay parin ako dun. I waited for her, I was hoping na hindi niya ako bibiguin na kahit papaano alam niyang importante ang dinner na ito kasi birthday ko pero wala. Ni isang message o sagot sa tawag ko wala. G-ganun ba ako kawalang halaga sakanya daddy?"

"Sshhh, that's not true El. Mahalaga ka para sa amin okay? Hayaan mo at kakausapin ko si Irene, I trusted her and told her not to hurt you. Ipinagkatiwala kita ulit sakanya pero ganito lang ang gagawin niya sayo"

"Paano ka nakauwi? Hindi ka naman ata nagpasundo kay Tay Roger? You should have called me anak"

"I took a taxi dad"

"What? El naman diba I told you not to commute lalo na pag gabi"

"Sorry daddy, hindi na ako nakapagisip ng maayos. All I want is to go home" tumango tango si Greggy.

"Kung ganito lang pala mangyayari sana pala ipinilit ko nalang na magparty ka"

"Ako rin naman nagpilit na gusto ko siyang kadinner eh. Simula kasi bata ako daddy gustong gusto ko siyang makasama sa birthday ko, k-kasalanan ko rin. B-baka napilitan lang siyang umo-o sa hiling ko" nagsimula nanaman siyang umiyak.

"I will talk to her, huwag ka ng magisip isip ng kung ano ano diyan. Call Nanay and Tatay Roger, isama mo na rin sila Minda and we will have a barbeque party. We still have 2 hours before your birthday ends, magparty pa tayo" Greggy said. Napatingin si Eli sa daddy niya at tinignan ito

"What? Why are you looking at me like that?" Greggy chuckles. Trying to make his daughter laugh.

"Thank you so much daddy, Swerte pa rin ako kasi may daddy akong kagaya mo" wika ni Eli sabay yakap sa daddy niya.

Fate's ThornWhere stories live. Discover now