Kabanata Sampu

429 30 14
                                    

Irene.

"Dawn the phone just keeps on ringing, hindi naman sinasagot. Are you sure that this is his number?" Tanong ni Irene kay Dawn na kausap niya sa phone.

"He's a busy person Irene, hindi rin yan basta basta sumasagot ng unknown number. If you really want to have a talk with him better go to his company and talk to him personally" sagot naman ni Dawn.

Hindi nakasagot si Irene.

"Oh ano tameme ka dyan? Are you still not ready to face him?"

"Im just scared dawn. Ang laki ng kasalanan ko sakanya, natatakot ako na baka ipagtabuyan niya ulit ako at ipamukha ang mga naging pagkukulang ko" mahinang sagot ni Irene.

"Face the consequences Irene, hindi sa lahat ng oras ay matatakasan mo yan. Kung gusto mong makilala yung anak mo talk to her father because as much as I know greggy is persistent to keep your daughter from you and your family"

"Okay Fine, I'll face him. I'll update you later. Thanks Dawn"

_____

"Hello Ma'am Good Morning, How may I help you?" Tanong ng isang babae pagkapasok ni Irene sa building

Hindi nila ako kilala? Sabagay, sino ba naman ako para kilalanin nila?

Ex lang naman ako ng boss nila

"I am looking for Greggy Araneta, is he here?" mahinahong tanong ni Irene kahit na ramdam na ramdam niya na ang kalabog sa dibdib nya.

"Yes Ma'am, do you have any appointments po?"

Umiling si Irene.

"I don't have eh, but I want us to talk kahit saglit lang"

"Im sorry Ma'am but Sir Greggy told us not to entertain anyone without appointment unless its very important"

Napakagat labi si Irene, hindi niya alam kung paano makakausap si Greggy. Ayaw niya naman sabihin ang pangalan niya sa staff dito.

"Can I talk to his secretary instead?"

"Sure mam, follow me po" wika ng babae.

Sinundan ni Irene ang babae at sa pinakamataas na palapag ay dun sila nagtungo.

"Jest! Ma'am wants to talk to Sir but wala pang appointment" pagkausap nung babae sa isang lalaki na nasa may front desk

"Ako na bahala, Thank you" sagot nung lalaki, nagpasalamat rin si Irene sa babae

"Hi Ma'am, I am Jester po secretary of Mr. Araneta" pagpapakilala nito.

"Hello, I want to talk to your boss if its okay. Is he busy?"

"He's in a meeting pa po but it will end by 10, so meaning there's 20 more minutes before it will end"

"Can I wait nalang here? Is it okay kahit wala pang appointment?"

"Sorry po policy po namin na dapat may appointment ma'am"

"Can you tell him that someone is looking for him? Irene ang pangalan" napansin ni Irene na napaulit ng tingin sakanya ang lalaki na para bang kinikilala siya nito. 

"Is there something wrong?" Awkward na tanong niya, ngumiti ang lalaki at tumango.

"Sorry Ma'am wala po, maupo po muna kayo and then I'll call you once na natapos na ang meeting nila at pumayag si sir na makausap po kayo" tumango si Irene at nagtungo sa lounge area.

"Hi" bati ni Irene sa empleyadong nakaupo sa may couch pagkarating niya sa lounge area.

Hindi talaga siya palabati pero ayaw niya rin namang nasasabihang mataray maldita kaya naman minsan ay pinipilit niya ang sariling makihalubilo sa iba.

Fate's ThornWhere stories live. Discover now