Kabanata Labing-dalawa

413 34 2
                                    

"wow! So linis naman your condo" komento ni Eli nang makapasok sila sa Condo ni Irene.

"Hindi pwedeng hindi El, malalagot ako sa manang ko pag bumisita yun at magulo dito" wika naman ni Irene, habang naglalakad patungo sa Kitchen Area para ilapag sa mesa ang binili nilang pagkain habang patungo sa condo niya.

"Mag-isa ka lang po rito?" Tanong ni Eli.

"Yup, mas malapit kasi sa work. This is not mine actually. This is Manang's condo, I do have a house here but nirerenovate pa kaya dito muna ako nagistay" sagot niya sa bata.

"Hey put your shoes there sa rack na, wag kang mahiya. Feel at home" wika ni Irene, napansin kasi nito na dala parin ni Eli ang sapatos niyang tinanggal.

Nakita niyang nilagay na ni Eli ang sapatos sa may shoe rack, nahihiya pa ang bata na umupo sa may sofa.

Inilibot ni Eli ang paningin niya at namangha siya sa ayos at linis ng condo.

"Are you hungry na El?"

"Hindi pa naman po Tita"

"I'll take a bath first hija, you want to take a shower too?"

Mabuti nalang at May dala siyang isang set ng damit kasama dahil kinuha niya ang laman ng locker niya sa school nila since long weekend naman. Isang set ng pe uniform nila.

Kung maliligo siya ngayon wala na siyang isusuot bukas. Bahala na, ganun nalang siyang uuwi.

"Teka you have clothes ba?" Tanong ni Irene.

"I have one set here, kinuha ko po sa locker ko sa school. Iyon nalang din po isusuot ko pauwi hihi" sagot ni Eli.

"You want to take a shower? Halika sasamahan muna kita sa kabilang kwarto" wika ni Irene.

Tumango si Eli para naman mapreskohan rin siya. Nagtungo sila sa isang kwarto at nang magsshower na siya ay nagpaalam na rin si Irene na maliligo na rin ito sa kabilang kwarto.

______

"Edi once you're here na po wala ka ng kausap? Aren't you sad here? Ang tahimik po kasi" tanong ni Eli kay Irene habang kumakain sila ng Dinner.

"Honestly once na nandito na ako nalulungkot na ako. Para kasing narerealize ko na magisa lang ako, but you know my siblings are so thoughtful na kahit mga busy person sila they always check on me, visit me ganun"

Tumango tango si Eli. May mga tanong siyang gustong itanong sa ginang pero napangungunahan siya ng pangamba na baka maoffend ito kaya hindi nalang.

Wala ba siyang sariling pamilya?

"Based on your stories feel ko close na close ka sakanila"

"Yup super, siguro they missed me rin since ilang taon akong di umuwi dito"

Napangiti si Eli, ano kayang pakiramdam ng may kapatid. Ang saya siguro.

"Hey are you okay?" Irene asked

"Po? Opo okay lang po, naisip ko lang po na ansaya sigurong magkaroon ng kapatid"

"Super El, may mga times na di maiiwasan ang di pagkakaintindihan pero nangingibabaw parin yung love sa isat isa

Nagkwentuhan pa ang dalawa habang kumakain at pagkatapos nila ay si Irene na ang naghugas ng pinggan habang si Eli naman ay nasa kwarto ni Irene naghahanap ng mapapanood nilang movie sa netflix.

Habang mag-isa si Eli sa kwarto ay inilibot niya ang paningin niya. May mga mangilan ngilan na frame dito at puro yun litrato nilang pamilya.

Teka, familliar yung isang babae ah. Parang nakita niya na yun dati hindi niya lang maisip kung saan.

Fate's ThornWhere stories live. Discover now