Kabanata Tatlumpu

443 35 7
                                    

"Oh you're awake na? Sleep ka pa, medyo malayo pa tayo" wika ni Irene kay Eli nang mapansin niyang gising na ito sa pagkakatulog.

Nasa biyahe na sila patungo sa Baguio para sa outreach program na gaganapin. Naka-Van sila dahil nakisakay na sakanila sila Nurse Karen and Nurse Steve na may ilan ding kasamang kaibigan nila.

"Are you hungry?" Tanong ulit nito.

"Meron pa po yung sandwich? Medyo nagugutom na po kasi ako" mahinang wika nito, tulog kasi ang ilan sa mga kasama nila.

"Yup meron pa El, but we bought you a Jollibee. Nagdrive thru kasi kami because Karen wants to eat Sundae and fries" narinig niya ang mahinang tawa ni Steve at karen sa likuran nila.

"Ate karen hindi mo ako ginising, gusto ko rin nung sundae e" reklamo niya na pabiro.

"Ang sarap kaya ng tulog mo kanina, Doc Irene told us nga na wag maingay para di ka magising tapos gigisingin pa kita?" Sagot ni Karen. Napailing iling naman si Irene sa dalawa, masaya siya at kahit papaano ay napapalapit na si Eli sakanila.

Iniabot na ni Irene kay Eli ang pagkain nito kaya natahimik ito at kumain nalang.

Inabot pa sila ng mahigit dalawang oras bago nakarating sa pupuntahan nila. Medyo malayo ang napuntahan nila, malayo sa centro ng baguio.

"Wear your jacket Eli, malamig" paalala ni Irene pagkababa nila ng Van

"Brace yourself, we are going to walk pa ng ilang minuto bago makarating dun. Hindi na kasi makakapasok ang sasakyan kaya need natin maglakad"

"Huh? What about our things po? Bigat ng gamit natin"

"Tutulungan ko na po kayo Ma'am" wika nung lalaking driver nung Van nila.

"Naku kuya wag na ho, Eli can do it. Right El? Patulong nalang po kami sa mga supply na ibibigay" singit naman ni Irene sakanila kaya wala na siyang nagawa kundi bitbitin ang mga gamit niya at maglakad

_____

"Can I join you here?" Halos mapatalon sa gulat si Eli nang biglang may marinig na boses. Lumingon siya at nakita niya si Irene. She was already wearing her sleep wear.

"I was about to check you in your room but wala ka dun. Why are you still up?" Casual na tanong ni Irene. Sumandal ito sa wood railing sa balcony kaya pareho na silang nakatingin sa overlooking night view sa baguio.

"I can't sleep po eh, lumabas ako and I saw the view kaya di na ako nakaalis ang ganda kasi" simple niya namang sagot.

"Yeah you're right maganda nga pero hindi ka ba nilalamig? Its freaking cold here" natawa ng mahina si Eli nang mapansin nga ang ginaw.

"Yup malamig po but Its fine. Im still enjoying the view, it gives me peace. Nakakapagisip isip ako while looking at this kind of view"

"What are you thinking ba? Care to share?" Napailing si Eli.

Simula nang malaman niya ang totoo palagi siyang nagbibigay ng clue sakanila, she always answer them sarcasm pero matigas sila at hindi talaga sinasabi sakanya ang totoo.

Irene is good at playing innocent and Eli is disappointed about it.

"My mom" simpleng sagot niya. Kitang kita niya sa peripheral vision niya ang gulat na paglingon sakanya ni Irene.

"W-why? What about her?" Ramdam niya ang mas nginig na boses ngayon ni Irene.

"Nothing big deal naman. I just thought na she has a lot of time to tell me things about her but refused not to kaya minsan napapaisip rin ako kung gusto niya ba talagang magkakilala kaming dalawa" sagot niya.

Fate's ThornWhere stories live. Discover now