Kabanata Labing-lima

392 31 8
                                    

"Rise and Shine El! Wake up young lady" dinig ni Eli na boses ni Greggy habang ginigising siya.

"Hmm, daddy I'm still sleepy" nakapikit na wika nito.

Hinawakan naman ni Greggy ang parehong kamay ni Eli at pinilit itong patayuin sabay tawa ng malakas kaya wala ng choice si Eli kundi magising.

"Daddy naman eh" sabay tingin ng masama sa tatay nito.

"What? You need to wake up na noh, the food is ready"

"Nagluto ka?" Gulat na tanong ni Eli sa tatay niya

"oa much anak sa reaksyon ha" biro ni greegy natawa naman si Eli.

"Natural lang noh, di ka naman nagluluto. Anong meron?"

"Wala naman, bukod sa wala pa sila Manang Rose na magluluto eh gusto kong asikasuhin ka since wala naman ako gagawin sa work" napangiti si Eli.

"Sus, go downstairs na susunod ako. I'll just wash my face and magtoothbrush"

"Hmm kaya pala nangangamoy anak" biro ni Greggy sabay tawa

"Feeling mo dad, its a tie lang naman pagkagising mo rin ganito rin amoy" tumawa naman din siya at dumiretso sa banyo niya, Si Greggy naman ay bumaba na ng bahay nila para dun nalang hintayin ang anak.

_____

"Di ka ba pupunta ng school ngayon El?" Tanong ni Greggy sa anak.

Pagkatapos kasi nitong kumain ay dumiretso ito sa sala at nanood ng tv.

"Iniisip ko pa po dad, wala naman gagawin sa school ngayon because they are preparing for this week's event" tumango si Greggy at tumabi sa anak niya na nakaupo sa couch.

"What about you?"

"I can't leave you here alone. Wanna come to my office hanggang sa makapagdecide ka kung pupunta ka ba ng school nyo?"

"Can I? Di ka ba maiisturbo dun?" Greggy chuckles

"Nope, wala naman akong meeting ngayong araw" tumango si Eli

Agad na nagprepare si Eli, nagdala lang siya ng hindi kalakihang bagpack niya para kung sakaling maisipan niyang pumunta ng school ay may dala siyang

"Less than two months nalang before your birthday anak, any plans on your birthday?" Greggy asked while driving

"Pinagiisipan ko pa kung gusto ko bang ituloy yung pakikipagkita sakanya" sagot ni Eli.

"Ngayong nandito na at hinihintay ka parang ayaw mo na"

"Hindi pala yun kadali dad noh? Akala ko ready na ako, meron parin pala sa part ko na takot baka hindi niya ako magustuhan" iniwas ni Eli ang tingin niya

"Eli kilala ko siya at hindi siya ganun na klaseng tao. Mabait siya El----"

"Kung mabait siya bakit niya tayo iniwan?" Direktang tanong ni Eli sa daddy nya

"Maybe you two need to talk first at paguusapan namin na iexplain sayo why things messed up" tumango si Eli at hindi na sumagot hanggang sa nakarating na sila ng Company nila.

Hindi na pumunta si Eli sa school nila dahil inantok ito kaya tinulog niya office ni greggy. Mabuti nalang at may mini room sa office ni Greggy na pagpahingaan niya kaya dun natulog si Eli.

Nang magising si Eli ay saktong wala ng gagawin si Greggy kaya inaya niya ang anak na magmall para makapagbonding naman sila.

"Really? Wow, this is new huh" sagot ni Eli pagkaaya sakanya ng tatay

"Pumayag ka nalang, sulitin mo na ito ngayon lang toh" biro ni greggy.

Sabay silang lumabas ng office at nagelevator pababa sa lobby. Bawat empleyadong nasasalubong nila ay bumabati sakanila at todo ngiti kay Eli.

Fate's ThornWhere stories live. Discover now