Kabanata Tatlumpu't Anim

486 42 15
                                    

"Naku kang bata ka, saan ka ba nagsususuot? Kanina ka pa hinihintay sa bahay" wika ni Manang Rose kay Eli nang sunduin niya ito sa gate ng village nila.

Hinatid siya pauwi ni Imee, ipapasok pa sana nito ang sasakyan sa village nila pero hindi na siya pumayag. Masyado na kasi siyang nakakaisturbo sa Ginang at sakto na hinihintay na rin ito sa bahay nila sa San Juan kaya nagpasundo nalang siya sa gate ng village nila.

"May pinasyalan lang saglit Nay, galit po ba si Dad?" She asked as they enter the car.

"Hindi ko alam Eli, seryoso kasi ang daddy mo. Si Irene naman tumulong sa pagluluto pagkarating niya" sagot ni Manang Rose. Tumango lang si Eli at hinintay na makauwi sila.

Pagkababa niya ng sasakyan ay agad na siyang naglakad papasok ng bahay nila.

"Do you know what time is it young lady?" Bungad na tanong ni Greggy pagkapasok niya palang.

Lumingon si Eli and she saw her dad sitting on the couch in the living room, napalingon nanaman siya sa isang banda and saw Irene walking towards
her wearing an apron.

Wow, feel at home masyado

"Sorry, hindi namin namalayan yung oras ni Aya" sagot niya.

Nagsalubong ang kilay ng daddy niya

"Aya? Really? I was about to call her and ask her about you but someone told me na she saw you" wika ng daddy niya.

Napakagat labi si Eli. Nahuli na siya, there's no need for alibis, lies and other palusot dahil wala na siyang kawala.

She remained standing at the main door, hindi na siya kumibo. Napayuko lang ito at hinihintay ang mga sermon ng daddy niya.

"I told you to come home before 6, I even ask you if where are you going after mass. Malaman laman ko lang na nagsinungaling ka?"

Naramdaman niyang naglakad si Irene palapit sakanya. She tapped her shoulder, ayaw niya itong tignan. Galit pa rin siya.

"Greggy enough with your sermons, ang importante she's here na" wika ni Irene.

"But she needs to know the---"

"We're here to talk and settle the problem. I did not go here to hear your sermons about her. El next time magpaalam ka ng maayos your dad will allow you naman but please don't make him worry" mahinahon na wika nito.

"Sorry, Mauna na po ako sa kwarto ko. Im tired" wika niya.

Inalis niya ang kamay ni Irene na nakahawak sa balikat niya at akmang maglalakad na paalis nang magsalita nanaman ang daddy niya.

"El come back here, we need to talk"

"Im tired dad, kayo nalang po ang mag-usap. Pagod ako" pag-attitude niya at naglakad na siya patungo sa hagdan para sana umakyat na pataas ng bahay nila

"What is happening to you El? Hindi ka naman ganyan, bakit nagbabago ka na?" Wika ng daddy niya.

Napahinto sa paghakbang si Eli. Para siyang natrigger sa sinabi ng daddy niya.

"Greg, stop it" rinig niyang mahinang wika ni Irene.

"What about you dad? Hindi ka ba nagbago?" Wika niya sabay harap sakanila.

Heto nanaman sa pagpipigil ng luha, she gather all her energy para hindi siya umiyak. Ayaw niyang umiyak, pagod na siyang umiyak.

"Akala ko kakampi kita, pero bakit biglang nagbago lahat? Bakit parang ako nalang mag-isa ngayon? Bakit ang dali para sayo na tanggapin lahat eh ikaw itong galit na galit sakanya simula dati pa. Bakit nung dumating siya parang bigla ka nalang nagpatawad agad agad?" Sumbat niya sa daddy niya, this time she was crying.

Fate's ThornWhere stories live. Discover now