Kabanata Tatlumpu't Walo

479 39 17
                                    

"Look at yoursefl El, naku ka. You need to take a rest, pag-uwi mo mamaya matulog ka na agad tignan mo yang eyebags mo ang lalaki at halos mangitim na oh" pangaral ni Aya kay Eli habang kumakain sila sa Canteen ng School nila.

It's already 4pm at dismissal na nila, hinihintay nalang nila ang mga sundo nila kaya kumain at tumambay muna sila sa canteen.

"Mukha na bang multo?" Biro pa ni Eli sa kaibigan, inirapan siya nito.

"Papunta na dun sige ka" they both laughed.

"Anong gagawin mo ngayon? Paano pag makita mo si Ms. Irene?" Aya asked, dahilan para mawala ang ngiti ni Eli.

"Hindi ko rin alam Aya, ayaw ko munang isipin. Sumasakit na ulo ko kakaisip, kung pwede nga lang umiwas muna at lumayo gagawin ko. Para kasi everytime na naiisip ko kumikirot ito" sagot niya sabay turo sa bandang dibdib niya.

"Andito ako El, our house is always open for you if you need someone to talk to" she nods and smiled.

Napansin ni Aya na tulala si Eli simula nung pumasok ito kaya tinanong niya kung anong problema. Hindi naman na natiis ni Eli kaya kinwento niya na ang nangyari at lahat ng sinabi ni Irene nung isang araw.

Well Aya deserves to know naman. Ever since naging magkaibigan sila nung elementary alam na nito ang kwento niya sa buhay, palagi itong nandyan tuwing nagrrant siya, tuwing hindi niya kinakaya yung tanong sa isip niya at pag wala na siyang magawa kundi ang umiyak nalang.

At first Aya was shocked to know that Irene is Eli's mother. Well, sinong hindi magugulat? But somehow she understands and realized Irene's effort to Eli.

Nakitaan niya si Irene na iba ang effort na ibinibigay nito kay Eli. Nung una ay nagtataka rin siya bakit bigla silang nagclick ni Irene, bigla silang naging super close pero naisip niya na baka naging magaan lang talaga ang loob nila sa isa't isa kaya naging malapit sila.

"Thank you Aya, thank you kasi nandyan ka palagi. Hayaan mo babawi ako"

"Parang others El, okay lang yun. Ang mahalaga alam kong okay ka" Eli smiled.

Hindi na nagtagal ay dumating na ang mga sundo nila kaya nagpaalam na sila

_____

"Nakauwi na po ba si Daddy, Tay?" Eli asked Manong Roger habang nasa sasakyan sila pauwi.

"Hindi pa Eli, bilin ng daddy mo na dumiretso tayo sa bahay ng Tita Dawn mo"

"Bakit daw po?" Tanong niya ulit.

"Nag-aya daw si Dawn magdinner sa bahay nila kaya dun ka na daw dumiretso" tumango nalang si Eli.

For sure, nandun din si Irene. Napailing siya at isinawalang bahala na lang ang mga iniisip tungkol sa kung paano ang ikikilos pag nandiyan na si Irene.

Halos isang oras pa ang itinagal nila sa sasakyan bago sila nakarating sa bahay ni Dawn.

Tunay ngang may pa Dinner ito dahil may ilang sasakyan ng nakaparada sa harap.

"Is that dad's car?" Wika niya

"Oo, nandito na siguro ang daddy mo" sagot ni Manong Roger.

Huminto na ang sasakyan nila Eli, bababa na sana ito pero napahinto siya ng makita ang mga anak ng Tita Small niya kasama si Maui.

"Tay dito na rin po kayo magdinner" aya ni Eli kay Manong Roger.

"Salamat Eli pero kailangan ng nanay rose mo ang kasama sa bahay" tumango naman si Eli.

"Baba na po ako, mag-iingat po kayo pauwi. Salamat po" wika niya at bumaba na ng sasakyan.

Agad na napunta sakanya ang tingin ng magkakapatid pati na si Maui.

Fate's ThornWhere stories live. Discover now