Chapter L ~ Fifth Rose

6K 246 25
                                    

Chapter L

Sa sumunod na mga klase ay kay raming pinasulat na notes ang mga teacher namin. Bahagya kong pinagmasdan ang mga kamay ko. Nanginginig-nginig pa ito at namamawis, halatang pasmado.

Sinipat ko ang oras sa may dingding. Malapit nang mag-alas kwatro imedja. Sabi ni Hollis ay kapag uwian na ay ipapasyal nya ako sa tinitirhan nya rito sa Maynila. Pero nahahati naman ang utak ko dahil hindi ko alam kung dapat ba akong pumunta lalo na't sinabi ni Nathan na magkita raw kami mamaya sa may garden para sa training nya.

Ganito pala ang pakiramdam kapag nahahati ang utak mo sa dalawa. Nakakadugo ng utak.

Inaayos ko na ang mga gamit ko palabas ng klase noong biglang tumunog ang cellphone ko.

"It is time." Ito ang nabasa ko galing sa hindi kilalang numero pero sa pagkakabasa nito ay alam ko na ang ibig sabihin. Ito ang hinihintay kong hudyat upang tapusin ko ang ika-lima kong rosas.

Tumakbo ako palabas ng klase, tinitingnan sa bawat paligid kung meron ba si Hollis o Nathan na naghihintay sa akin. Ngayon mas malinaw na sa akin kung saang landas ang aking pipiliin. Misyon muna bago pag-ibig.

Isang huling linga sa paligid bago ako nag-over d'bakod sa gilid ng school kung saan wala gaanong estudyante ang tumatambay. Sa kabila ng mataas na pader na madali kong inakyatan ay may naghihintay sa akin na itim na kotse. Binuksan ko ito at pagkasakay ay ang pagharurot nito palayo.

Katahimikan ang nanaig sa loob ng kotse sa pagitan namin ni Tats. Isa sya sa mga kasama ni Marcus na ipinakilala nya sa akin noon.

May inihagis sya sa akin na kung anong itim na bagay. Hindi sya tumingin sa akin noong nagsalita sya.

"Isuot mo raw yan. Wala raw dapat makakilala sa'yo."

Napasinghal ako ng tawa. Isang maskara ang ibinato nya sa may hita ko.

"Anong akala nyo sa akin, isang baguhan?"

"Makinig ka na lang kay The High-- Marcus. Para rin sa ikabubuti nating lahat."

Tinapunan ko sya ng tingin. May sasabihin ba sya kanina na hindi nya tinapos? Inilipat ko ang tingin sa harap at isinawalang bahala na lamang ito. Ang importante ang misyon ko, wala nang iba. Mas mabilis na matapos, mas madali akong makakalayo sa kanila.

"Ano bang meron sa ika-lima kong rosas at nag-asaya pa si Marcus na makipagtulungan sa akin para lang pabagsakin ito?"

"May kasalanan sya kay Marcus."

Sumagot sya. Isang magandang senyales na bukas sya sa isang usapan. Pinilit kong magpakakaswal upang hindi sya makahalata na ginagamit ko lang sya para makakuha ako ng impormasyon. Alam ko kasi na walang balak si Marcus na magsabi sa akin ng kahit ano. Sumusunod lang ako sa pinag-uutos nya dahil may kailangan din ako sa kanya. Ang malaman kung ano ang nangyari sa mama ko pitong taon na ang nakakalipas.

"Ganun ba kabigat yun para ipapatay nya ito sa ganitong paraan?"

"Pinatay ni Jenna ang kapatid ni Marcus. Bawian lang yan." May nakita akong ngiti sa mukha nya na tila ba ang maghigante sa kapwa ay ang paborito nyang gawain. "Ang yabang-yabang kasi. Akala mo kung sinong magaling. Si Marcus ang uri ng tao na hindi nakakalimot. Magkamali ka sa kanya minsan, isosoli nya iyon sa'yo sampung beses na mas malala pa sa inaasahan mo."

"Bakit, sino ba si Marcus?"

Ngumiti sya sa akin. Napansin ko na may suot syang singsing na may number three.

"Hindi mo ba alam? Sya si The High--"

"Tats!"

Huminto ang kotse. Lumingon ako sa may bintana upang makita kung sino ang tumawag sa kanya. Nakita ko si Dal na papalapit sa amin.

The Seventh RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon