Chapter iii ~ Change of Events

32.5K 549 39
                                    

Chapter iii 

Alas onse ng gabi. Yan ang oras kung kailan lumalabas ng opisina si Mr. Andrada. Sa ilang oras na pagmamatyag sa labas ng kumapanya nya, nakita ko ang mga taong pumapasok pati na rin ang mga lumalabas. May apat syang body guards na kung makapagbantay sa kanya ay sobrang higpit. Hindi man nila ako nakikita pero tahimik lang akong nagmamasid. 

Karamihan sa mga empleyado ay nag-sisiuwian na. Kung hindi ako nagkakamali, ang mga taga linis at body guards na lang sa buong kumpanya ang natitira. Limang minuto bago mag-alas onse. Tapos ko ng nadeactivate ang mga cctv camera sa buong paligid, salamat sa isa kong kasama na batikan pagdating sa makabagong teknolohiya. May naririnig akong mga yabag ng mga paa pati na rin ang mga boses na papalapit na ng papalapit.

Tahimik kong ikinasa ang baril ko bago naglaho sa mga puno malapit lang din sa entrance ng kumpanya nya.

"You made a great deal Mr. Andrada. Mr. Ashen will be a great business partner. Alam kong magtatagumpay itong company mo and I am so happy to be working with you." 

"Salamat kumpadre. I know, I know. I'm very glad to be working with you too and your company. We should have a celebration for our new partnership! Siguradong magiging masaya yun!" 

Nasa may labas na sila ng entrance. May kausap si Mr. Andrada na isang may edad na lalaki. Nagtatawanan sila bago nagkamayan sa isa't isa. Hanggang sa may dumating na pulang kotse at sumakay ang kausap ni Mr. Andrada rito. Nagpaalam sila sa isa't-isa bago ito tuluyang umandar palayo. 

Isa, dalawa, tatlo, apat, bilang ko sa mga tagabantay nya. Idagdag mo pa ang dalawang bodyguards ng buong kumpanya at si Mr. Andrada na syang target ko. Pito silang lahat. May dumating na isa na namang itim na kotse at pinagbuksan sya ng pinto. 

Malayo sa pinagtataguan ko ay ang nakatago kong itim na kotse. Tumakbo ako at nagmadaling pumasok dito. Minaniobra ko ito at pinaandar ng napakabilis. Kailangan ko silang maunahan sa daan kung saan sila madalas na dumaraan.  Tamang tama rin ito para sa akin dahil ang lugar na yun ay madilim. Hindi ko na kailangang pumatay at mandamay pa ng ibang inosenteng tao mapatay lang sya. Ang target ay target. Sya lang at wala ng iba. Pero kung may pagkakataon na may nadadawit, wala akong kasalanan doon. Sila na mismo ang pumili sa kapalaran na yun. Kung hindi kasi sila humarang sa plano eh di sana hindi sila nadamay. Ganun lang kadali yun. Ganun lang kasimple. 

Iniliko ko at ipinark ang sasakyan sa tabi ng daan. Wala ng gaanong kotse sa paligid. Wala na ring tao. Kung sinuswerte ka nga naman. Ang kulang na lang ay ang kotse na hinihintay ko at pagkatapos nito. Tapos na ako sa misyon na ito. 

Hindi na rin naman ganun katagal ang hinintay ko dahil walang pang ilang sandali, ang kotse na hinihintay ko ay papalapit na sa direksyon ko. Lumabas ako ng kotse at itinaas ang hawak na baril. Nakatapat ito paitaas at nasa lebel ng balikat ko. Walang gaanung kotse sa paligid. Tahimk. Madilim. Walang makakakita, walang makakaalam.

Pumunta ako sa gitna ng daan at marahan na ipwinesto ang sarili. Papalapit ng papalapit ang kotse, namumukod tangi ang headlights nito sa buong paligid.

Isa, dalawa... masyado silang mabilis magpaandar. 

Tatlo, apat... hindi nila ako maaninag dahil sa sobrang liwanag. 

Lima, anim... iniangat ko ang baril sa direksyon ng target ko. 

At pito... ang pagputok ng baril sabay sommersault palayo sa daan bago pa ako mabangga ng rumaragasang kotse. Pitong segundo. Napangiti ako. 

Sniper. Dyan ako kilala. May ngisi na gumuhit sa aking mga labi bago ko hinipan ang hawak na baril. Pumasok ako sa kotse ko at mabilis itong pinaandar palayo. Hindi na ako nahabol ng mga body guards nya... leaving them behind with no hope of catching me. 

The Seventh RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon