Chapter xxxviii ~ Mga Lihim

13.7K 448 103
                                    

Chapter xxxviii

Maaga akong umuwi kahapon kaya ngayong umaga, maaga rin akong pumasok. Katatapos lang namin ni Nathan ang project namin kahapon.  Tapos ko na ang parte ko matagal na. Sya hindi pa. Kaya nga ganun na lang ang gulat ko noong nandoon na kami sa library, ang bilis nyang natapos ang kanya. Parang alam na nya kung ano ang gagawin. Para bang tinamad lang sya kaya doon lang din nya natapos. 

Kung ano man ang dahilan hindi ako nagrereklamo. Ang importante ngayon tapos na naming dalawa ang project namin. Bukas pa ang pasahan kaya ibig sabihin, malaya na kami ngayong araw na ito mula sa project na yun. 

"Yah I'm just going to talk to you later alright? Nice talking to you beautiful." 

Nakita ko si Nathan na nakasandal sa isang pader. May bagong korner na naman syang babae. Hawak hawak nya ito sa may baba, grabe ang ngiti sa mukha nya. Akala ko nga maghahalikan sila kaya tatalikod na sana ako. Nakahinga ako ng maluwag noong umalis din agad yung babae. 

"Bagong babae?" Tanong ko sa kanya pagkalapit ko. Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako. 

Ngumiti si Nathan sa akin. May kinuha sya sa locker nya. Sumandal sa katabing locker. 

"Hindi ka ba napapagod? Alam mo hindi ko naiintindihan eh. Ano bang napapala nyong mga lalaki sa tuwing may sinasaktan kayong mga babae? Masaya ba? Exciting? Natutuwa ba kayo kapag may may umiiyak sa harap nyo kapag iniwan nyo na sila pagkatapos paasahin?"

"Parang hindi naman ganun ang mga babae. Mas worst pa nga kayo eh." 

"Well, meron talagang mga babaeng ganun pero hindi naman lahat." 

"Ganun din naman sa amin." kibit balikat nya.

Inayos ko yung dala kong folder sa braso ko. 

"Pero sa totoo lang naiinis ako sa mga babaeng ganun eh. Nakakainis na kung sino pa ang lalaking loyal at tunay na nagmamahal sa kanila, yung mga lalaking yun pa ang naloloko. Nakakabwisit. Nakakainis. They deserve so much better. Dumarami na rin tuloy ang mga lalaki galit sa mga babae ngayon. Minsan kasi sobra na rin sila. Mga manggagamit. Nakakahiya sila. Nahihiya akong tawagin silang mga kapwa ko babae." Hindi ko mapigilang mapailing. Sinasabi ng mga babae lahat ng lalaki manloloko. Hindi nila naiisip na ganun na rin ang mga mindset ng mga lalaki ngayon sa mga babae. 

Kaya sa mga lalaking nagtatanong kung meron pa rin bang babae disente sa panahon ngayon? Marami pa rin. Nagkataon lang na naipares sila sa maling babae pero hindi lahat ng babae ganun. At alam kong ganun din ang mga lalaki. Hindi lahat manloloko. 

Napansin ko na sa paglalabas ko ng sama ng loob na iyon ay bigla syang natahimik. Hindi ko makita ang mukha nya dahil nakabukas ang locker nya. Natatakpan ng pinto nito ang mukha nya. 

"Well," sabi nya bago isinara ang locker nya. "Life is unfair. Sana lahat ng mag babae kapareho mong mag-isip. Unfortunately, it's not." 

Yun lang ang sinabi nya bago ako iniwan. Pero napansin ko na biglang nawala ang mapaglarong ngiti sa mga labi nya. 

Dumaan ang mga klase hanggang sa naglunch time. Mag-isa lang akong kumakain sa labas ng school dahil hindi ko na gaanong nakikita si Nyree. Kahit pa kapag nakikita ko sya iniiwasan nya ako na para bang isang bagyo sa paningin nya. Ni hindi nya ako matingnan sa mata. Nalulungkot ako pero hindi ko sya masisi. Sigurado kaya galit pa rin sya sa akin ay dahil isa akong outsider. 

"Hello Leira! Anong ginagawa mo jan?" Nagulat ako noong bigla sumulpot si Rico. Umupo sya sa tabi ko. Nandito ako sa labas sa may ilalim ng puno. Malakas ang simoy ng hangin kaya gusto ko rito. Humiga si Rico sa damuhan habang nakalagay ang dalawang kamay sa may batok. 

The Seventh RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon