Chapter Li ~ Hudas

6.5K 267 62
                                    

Chapter Li

Inihinto ako nina Dal sa isang bakanteng lote. Tahimik akong dumaan sa likod ng mga puno at pasimpleng bumalik sa apartment ko.

"Saan ka nagpunta? Kanina pa kita hinahanap sa school."

Kulang na lang ay mapatalon ako sa gulat noong makita ang isang anino ng lalaki sa dilim.

"Naghintay ako alam mo ba yun? Saan ka galing?"

Lumabas ito mula sa dilim na kinatatayuan kanina kaya mas malinaw kong nakita ang kabuuan ng mukha nya. Inirapan ko sya at saka dinaanan. Nahawakan nya ako sa may braso.

"Nathan, bitawan mo ako."

"Kayo na ba, nung lalaking kasama mo kanina?"

Binawi ko ang braso ko sa kanya. "Ano bang pakialam mo? Saka bakit ka nandito? Paano mo nalaman kung saan ako nakatira? Hindi ka dapat nandito." ngali-ngali akong tumingin sa buong paligid. Baka mamaya may spy dito si papa. Hindi pwedeng makita nyang nagpapabaya ako sa misyon ko at mas inuuna ang kung ano pa man bago iyong ipinag-uutos nya sa akin. Hindi pwede. Malapit na ako sa ika-anim na rosas ko. Malapit na ako sa kalayaan ko.

Narinig ko syang napasinghal ng tawa. Ibinulsa nya ang dalawang kamay nya.

"Ang bilis mo namang bumigay. Ngayon mo lang nakilala ang lalaking yun sumama ka na sa kanya agad."

"Ano?" hindi ko mapakapaniwalang wika.

"Sabi ko na mali ito eh. Pare-parehas lang naman kayong mga babae."

"Anong pinagsasabi mo?" naguguluhan kong tanong.

"Kayo na ano? Kayo na nung lalaki mo. Ano na ulit ang pangalan nya? Roly? Folli? Harris?"

"Hollis." pagtatama ko sa sinasabi nya. "Teka pinakilala ko ba sya sayo? Di ba hindi naman? Paano nalaman ang pangalan nya? Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"

"I have my own ways Leira. Para saan pa na naging mayaman ako?" sarkastiko nyang saad sabay taas ng dalawang kamay sa gilid nya.

I rolled my eyes. I have no time for this.

"Kailangan ko nang pumasok sa loob. Baka gusto mong tumabi?"

"Bakit ba ang sungit mo sa akin? Pero kapag sa iba naman ang bait-bait mo?"

"Why are you even here in the first place? Ni hindi naman tayo, but you sound like a jealous boyfriend."

Huli na para mabawi ko ang sinabi ko dahil bigla syang natahimik. Agad kong iniba ang usapan.

"Ano ba kasi talaga ang ginagawa mo rito? Wala si Nyree rito kung sya ang hinahanap mo. Nandoon sa school. O kaya baka umuwi na. Sinasayang mo lang ang oras mo rito." Bigla nya akong tinulak sa may kalapit na pader. Ang dilim ng mga mata nya kaya hindi ko ito mabasa. Ang isang kamay nya ay nakalapat sa may pader sa tabi ng ulo ko. "A-ano ba Nathan. Anong ginagawa mo?"

"Kasalanan mo ito. Kung bakit ako nagkakaganito."marahan nyang bulong sa tenga ko. "Ang hirap pala yung ganito. Yung nababaliw ka sa kakaisip kung nasaan sya. Yung babaeng gusto mo."

Hindi na ako nakapagsalita noong bigla nyang pinaglapat ang mga labi namin sa isa't-isa. Noong una ay mabagal lang ang paghalik nya ngunit habang tumatagal it is becoming urgent with each second that pass. Sinubukan kong pumalag pero hinawakan nya ang mga kamay ko paitaas. Alam kong malakas ako pero sa kanya, parang nawalan ng silbi ang mga kamay ko.

Then I suddenly felt myself responding to the kiss. It was sweet and...romantic.

Ngayon alam ko na kung bakit ang daming nabaliw na babae kay Nathan. Kung bakit ang daming nagkakagusto sa kanya. Because once he touched his lips to yours, it is magic.

The Seventh RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon