Chapter x ~ Meeting the Intricate and the Princeton

26.2K 438 36
                                    

Chapter x

Sobrang lakas ng kabog sa dibdib ko noong nakapasok na kami nila Nyree sa loob ng gym kung saan daw namin i-me-meet ang ate nila. Hindi ako handa. Ayokong pumunta rito. Kung bakit ba kasi nagpahila pa ako. Sana pala tumakbo na ako agad palayo noong may pagkakataon pa ako kanina. Hindi naman siguro nila ako mahahabol... 'di ba?

Katatapos lang daw ng try-out kaya nagsisilabasan na ang mga tao sa loob ng gym. Hinihila ako ni Nyree pero hinihila ko rin sya pabalik. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. 

"Leira," sabi ni Nyree ng makita na hinihila ko na naman sya pabalik. Kanina pa namin ito ginagawa, animo'y naglalaro ng tug of war sa isa't isa. 

"Nyree kailangan ba ngayon? Pwede bang bukas na lang?" 

"Hindi ka naman kakainin nila ate. Bakit ba natatakot ka?" kunot-noong tanong ni Kelly. 

"Hindi ako natatakot. Kinakabahan lang." Napayuko ako sa huli kong sinabi sabay kagat ng babang labi. Bakit nga ba ako kinakabahan? Ngayon lang 'to nangyari sa akin. 

"Nah. Wala kang dapat ikakaba kanila ate dahil mababait silang tao. Sa tingin mo makakasama mo kami ngayon kung hindi dahil sa kanya? Cheer up! Everything's gonna be alright. Ako ang bahala sayo, promise." 

Pagkatapos sabihin ito ni Nyree ay wala na akong ibang nagawa kundi sumama. Sabagay may punto sya. Ako lang siguro talaga ang may problema. 

Nagtago ako sa likod ni Nyree noong malapit na kami sa pakay namin. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginawa. Naninibago ako sa sarili. Sa pakikipaglaban wala akong kinakatakutan pero sa harap ng mga taong maaari kong maging bagong kaibigan ay naduduwag ako. 

Crazy Leira. Nababaliw ka na yata. 

Nakita ko kung gaano kabilis nagbago ang mood ni Kelly. Dali-dali syang tumakbo at niyakap ang babaeng tinatawag nyang 'ate'. Sobrang laki ng ngiti nya at hindi maipagkakaila ang saya sa mga mata nya. Ngiti at saya na hindi ko pa nakita sa tuwing kaharap nya ako. Tama nga siguro ako sa hinala ko. Hindi nya ako ganun kagusto. 

"Reece, ate, meet Leira Dela Torre. Ang bago naming kaibigan ni Kelly."

Hinila ako agad ni Nyree paharap kaya wala akong nagawa. Nakayuko lang ako. In some way I feel exposed. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. 

May narinig akong masayang pagbati kaya napatingin ako sa tinig na narinig. Doon bumungad sa akin ang maamong mukha ni converse girl na syang una kong nakilala rito sa Princeton Ellipses Academy. Kahit kailan talaga ang ganda nya. Nakakapanghinayang lang na napunta pa sya sa manyak na Nathan na yun. Naiisip ko pa lang ang pangalan nya ay nabwibwisit na ako. Buti pa si Jace. Sa tuwing naaalala ko ang pangalan nya, ang maganda nyang ngiti ang tumatatak sa isip ko. 

"Diba ikaw yung bagong estudyante na nakilala ko noong first day?" Tuwang-tuwa na bati nito sa akin. Alanganin akong tumango dahil naiilang ako. 

"Kung ganun hello! Kamusta na? Pasensya na hindi ako nakapagpakilala sayo noon ah. Ako pala si Serene. Masaya ako na naging kaibigan mo itong sila Nyree at Kelly. Hindi ka naman ba nila binibigyan ng sakit ng ulo? Matitigas ang bungo ng mga yan eh." 

"Ate naman! Hindi ah!" 

"Mababait kaya kami." nakasimangot na reklamo nina Nyree at Kelly. 

Tumawa si Serene at saka isa-isang tinapik ang mga ulo nila na parang maliliit na bata. Nagpakilala rin sa akin ang isa pang magandang babae na nagngangalang Reece. Ang ganda ng ngiti nya pero bakit ganun ang pakiramdam ko? Parang may kakaiba sa mga ngiting yun? 

"Leira, right?" Maya't maya ay hindi ko namalayang kinakausap na pala ulit ako ni Serene. Tiningnan ko sila Nyree at Kelly at nakita na abala silang kinakausap si Reece kaya kaming dalawa na lang tuloy ni Serene ang natira. 

The Seventh RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon