Chapter xvii ~ Tensyon

21K 424 31
                                    

Chapter xvii

Isang brush sa kanan, isang brush sa kaliwa. Isang hakbang paatras, nakapangalumbaba kong tiningnan ang ginawa ko. 

Hmm...

Ano pa ba ang pwedeng idadag dito? 

Humakbang ulit ako pabalik at saka isinawsaw ang brush na hawak sa pintura na nasa tapat ko. Parang hindi ako kuntento sa simpleng stroke lang, kaya ang ginawa ko, itinuldok tuldok ko ang brush na parang lapis sa may pader. Tiningnan ko sa paligid kung may pintura na kulay puti, pero bukod sa makukulay na pintura na gamit ng mga kasama ko ay wala na akong ibang makitang kulay. 

Hmm...

Kailangan ko ng ibang shading bukod sa ginagawa ko. Kaya ang ginawa ko, isinawsaw ko ng isinawsaw ang brush sa may tubig hanggang sa maging mapusyaw ang kulay. Noong makuntento, inilapat ko na ito sa may pader. 

Paulit-ulit na ganun ang ginagawa ko. Ilalapat ang brush sa sahig, aabante paatras at saka hahakbang pabalik. Kung minsan ay mas pabor ko pang gamitin ang kamay ko kaysa sa brush na hawak. Natutuwa kasi ako sa malagkit nitong tekstura sa mga daliri ko.

Halos magdidilim na pero ni hindi pa namin napipintahan sa kalahati ang pader na nakadestino sa amin. Gamit ang likod ng kamay ko ay pinunasan ko ang pawis sa noo. 

"Ayoko na. Pagod na ako." nakasimangot na umupo si Nyree. Hawak hawak nya ang brush nya, pintu-pintura ang mga kamay nya. "May limang araw pa naman di ba? Balik na lang ulit tayo bukas. Sis kailangan na rin nating umuwi, magdidilim na. Baka mag-alala si ate nyan kapag late na naman tayong makakauwi." 

"Sige tatapusin ko na lang 'to" sagot ni Kelly habang tinatapos ang isang huling brush stroke na ginagawa. 

"Ako rin uuwi na. Gutom na ako eh. Mauuna na akong maghugas ng kamay ah. kakainin ko pa yung baon kong tinapay." paalam ni Rico sa amin. 

"Rico sama na rin ako!" sabi ni Kelly. Sumunod din naman si Nyree sa dalawa. Nag-unahan pa nga silang tatlo. Muntik pang nadapa si Rico. 

"Hindi ka pa maghuhugas ng kamay?" tanong ko kay Nathan. Sa hindi mabilang na pagkakataon, kaming dalawa na naman ang naiwan. 

"Mamaya na. Tatapusin ko pa 'to." Tiningnan ko sya dahil napakaseryoso ng mukha nya. Halatang nagkokonsentreyt. Matingnan nga.

Noong lumapit ako sa kanya para tingnan kung ano ang ginagawa nya, nagulat ako sa nakita ko. 

"I'm an artist I know." Ngumisi sya sa akin. Proud na proud sa ginagawa nya. 

"Wow." sabi ko. Kinagat ko ang labi ko.  "Cool." 

"I know right." tapos saka nya ipinagpatuloy ang ginagawa nya. Medjo... proud na proud din sya sa ginagawa nya ah. Eh sa lahat naman ng ginagawa nya... napaka-abstract. 

"Ang galing naman nitong... nitong pusa na pinaint mo." Itinuro ko ang sinasabi ko sa kanya. Ayos yung shading nya. Akalain mo, may talent din pala sa art ang manyak na 'to. 

Tiningnan nya ako ng masama. 

"O? Bakit ka ganyan makatingin? Ang ganda naman ah. Pinuri pa nga kita. Ang cute nung pusa. Ano ba 'to? Pangil nya kunwari? Tapos ayos din ito o," Turo ko pa ulit sa isa. "butiki? Ang astig." 

Hindi nya tinanggal ang masamang tingin sa akin. Binitawan nya ang brush at saka humalukipkip. 

"B-bakit? Maganda naman 'yung--" 

"Hindi yun pusa at higit sa lahat hindi yun butiki." 

Oh. Hindi nga ba? "Eh ano?" 

Humarap sya sa pinipintura nya atsaka tinuro isa-isa ang mga itinuro ko kanina. 

The Seventh RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon