Chapter xx ~ Bawian lang yan

20.8K 363 26
                                    

Chapter xx

Iyon ang unang beses na nakita kong umiyak si Kelly. Kahit hindi ko pa sya lubusang kilala, sa tapang na lagi nyang ipanapakita sa harap ko, hindi ko akalaing may malambot pa rin pala syang side na itinatago. Hindi puro tapang, hindi puro inis. Malayo pa nga yata bago ko sya tuluyang lubusan na makilala. 

Pinatahan sya ni Nyree na sa unang pagkakataon din ay nakita kong naging seryoso. Kung sa mga nagdaang araw kahit pa noong una ko silang makita, sa kanilang magkapatid kahit pa si Kelly ang bunso, kung maka-asta akala mo sya ang ate. Ngunit ngayon iba na. Makikita mo sa kanilang dalawa ang larawan ng magkapatid na handang ipagtanggol ang isa't-isa sa mga panahon na tulad nito. Handang magdamayan, handang magsakripisyo. mapatahan lang ang isa.

Habang pinapanood sila hindi ko mapigilang makaramdam ng inggit. Pakiramdam ko may sarili silang mundo at sa pagtayo ko sa tabi nila, para akong isang estrangherong hindi dapat na naroroon pa at nakikiusyoso. 

Ano kaya ang pakiramdam ng may kapatid? Ang sarap siguro. 

Minsan natatawa ako. Base sa mga kakilala ko na may mga kapatid, sa tuwing sinasabi ko kung gaano sila kaswerte, puro reklamo ang sumbat nila sa akin. Ang madalas pa nga nilang sinasabi ay 'Hay naku Leira! Pasalamat ka na lang at hindi ka nagkaroon ng isa, dahil kapag nagkataon at nasubukan mo kung paano magkaroon ng isang kapatid na mas matigas pa ang bungo sayo, hihilingin mo sa Dyos na sana naging unica hija ka na lang para walang problema.' Pero sa totoo lang, madalas kapag natapos ang mahabang litanyang ito ngumingiti na lang ako at itinitikom ang bibig ko. Halata man ang lukot sa kanilang mukha kapag kapatid na ang topic ng pag-uusap namin, hindi pa rin nila alam kung gaano sila kaswerte dahil nabiyayaan sila nito. Isang bagay na hindi ako nabigyan ng pagkakataon na magkaroon-- isang bagay na milyon milyong tao sa mundo na hindi pinalad tulad ko. 

Oo makulit sila, nakakainis, sakit sa ulo o kaya naman minsan ang sarap isumpa at itapon sa bermuda triangle. Gayunpaman, ganun man sila, kahit ano man ang mangyari alam mo sa huli may kasama ka. Iisang dugo ang nananalaytay sa inyo. Isa kayong pamilya kahit pagbalibaliktarin mo pa ang mundo. Isang pamilya na mawala man ang lahat, may mga taong nakakasigurado kang hindi maglalaho. Sasamahan ka, aalagaan, mamahalin magpakailanman.

Sumagi tuloy sa isipan ko si papa. Sya na lang ang nag-iisang pamilya ko. Nag-iisang pamilya na nananalaytay sa dugo ko at buong pagkatao. Wala akong nakilalang lolo at lola. Ni tita at mga pinsan ay wala. Katulad ko ay alam kong nag-iisa ring anak si papa. Tungkol naman kay mama ay kokonti lang na impormasyon ang meron ako kaya wala akong kaide-ideya kung meron nga ba o wala. 

Sa likod ko ay hinawakan ko ang kamay ko, dinarama ng mga daliri ko ang pulso na pabilis na pabilis sa pagtibok. Sa ngayon ay wala akong ibang madamayan kundi ang sarili ko. Wala akong ibang mayakap kundi sarili ko. At higit sa lahat, wala akong ibang maaasahan kundi ang sarili ko. Mahirap talagang mabuhay mag-isa sa mundo. Kaya sana bago magreklamo ang mga tao kung ano ang mga wala sa kanila, sana mapagtanto nila ang mga taong nasa paligid nila; pamilya, kaibigan, at mga taong laging nanjan sa tabi tabi, masyado lang bulag ang mga mata para mapansin. Kung sana meron din ako kahit isa lang. Isang taong kahit minsan mag-aalala at magmamahal sa akin. 

Ano na kayang ginagawa ni papa? Nasaan na kaya sya? Uminom na kasi sya ng gamot nya? Bago pa man ako makapunta rito sa Princeton ay lumalala na ng lumalala ang mga ubo nya. Nakuha nya mula sa paninigarilyo at sa kung anu-ano pang bisyo na pinasok nya. 

Papa... iniisip mo rin ba ako? 

"Hindi ko palalagpasin ito. Hindi tayo pinalaki ni ate para magpatalo na lang kung kani-kanino." 

Mula sa patuloy na paglipad ng isipan ko ay naibaling ang tingin ko kay Nyree. Nakakuyom ang mga kamay nya habang yakap yakap ang kapatid. Tinanggal ni Kelly ang pagkakayakap sa ate at dali daling pinunasan ang mga mata. Hanggang ngayon ay namumula ang mga mata nya. Kahit anong pilit nyang itago ang mga mata nya sa akin, halata sa pamumula nito na galing sya sa pag-iyak. 

The Seventh RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon