Chapter ix ~ Secrets

26.2K 444 32
                                    

Chapter ix

Pinagsabihan man ako ni papa na wag maging malapit sa kahit na sino, madalas pa rin akong sumama kanila Nyree. Habang tumatagal nagiging kumportable na ako sa kanila. Pero kahit sino man, gaano man kalapit sa isa't-isa, may sikreto't sikreto pa rin na tinatago.

"Leira afterschool pwede ka ba? Gusto sana kitang ipakilala sa iba ko pang kaibigan lalong lalo na sa ate ko. Lagi kitang kwinekwento sa kanya. Excited na excited na nga syang makilala eh!"

Ngumiti ako kay Nyree, itinatago ang pamumula ng mukha ko. Kwinekwento nga ako sa ate nya? Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. At saka mga kaibigan? Kasali ba dun si boy manyak?

Wag naman sana.

"Uhm. Nyree?" nag-aalinlangan ko syang tiningnan.

Tatanungin ko ba o hindi?

"Yes?"

"May kaibigan ka bang nagngangalang Nathan?"

Naalala ko na ito ang tawag sa kanya ng mga babae kahit saan ako magpunta.  Hindi ko maipaliwanag pero ayaw ko talaga sa manyak na yun. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa nya roon sa mall.

Bahagya nya akong tiningnan bago sumagot.

"Oo. Bakit mo naman natanong?"

"Ah eh ano kasi eh. Uhm. Ayoko sanang-"

"Oh!" sabi nya na parang may bigla syang naalala. "How insensitive of me. Hindi na pala nakapagtataka na malaman mo ang pangalan na Nathan kasi sikat naman talaga sya rito sa school eh. Myembro sya ng sikat na Princeton Band. Maybe you are curious as to why I'm friends with him? Barkada sya ng ate ko kaya naging barkada na rin namin. Di ba Kelly?"

Tumingin sya sa kapatid na ngayon ko lang napansin na kasama namin. Ngumiti ito pabalik sa kapatid.

"Oh." ang tanging umalpas sa mga labi ko. Kaya pala.

"Anong klaseng tao si Nathan?" tanong ko sa kanya. Kung sakaling magkakaharap kami ulit, di ba mas maganda kung kilala ko ang kalaban ko?

"Hmm.." kumunot ang noo nya na parang nag-iisip "Okay lang naman." kibit balikat pa nito.

"Chickboy." tumingin ako kay Kelly na nagsalita "Masyadong matinik sa chicks kaya wag kang masyado magtitiwala sa taong yun. Delikado."

Tumawa si Nyree dahil sa sinabi ng kapatid. Pabiro nya itong hinampas sa may braso.

"Over ka namang manakot sis! Hindi naman ganun kasama si Nathan. Mabait pa rin yun!"

"Di ba may girlfriend na yun?" kunot noo kong tanong.

Chickboy pala eh. Naawa tuloy ako sa girlfriend nya na si girl with converse. She deserves so much better.

Tiningnan ako ng magkapatid na parang tinubuan ako ng bigote't balbas sa mukha. Naningkit pa ang mga mata nila bago nila ako tinawanan.

"Yung mokong na yun may girlfriend? Imposible." hagikgik ni Kelly. Hindi na nga yata sya makahinga sa kakatawa eh.

"Bakit?" kamot ko sa ulo.

Eh paano si girl converse? Huwag mong sabihing fling na naman? Wow. Ang sarap lang talagang upakan ng lalaking yun. May itatanong pa sana ako sa kanila ng biglang magsalita si Nyree. May mapaglarong ngiti sa mukha nya. Kiniliti nya ako sa may tagiliran.

"Crush mo siguro si Nathan 'no kaya marami kang tanong sa kanya?"

Lumayo ako sa kanya na para bang nakuryente sa mga pinagsasabi nya. What? Ako? You've got to be kidding me.

The Seventh RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon