Chapter xiii ~ Getting Closer

22.8K 386 19
                                    

Chapter xiii

Nakaupo ako at nakatitig sa art materials na binili ko noong isang araw. Brushes, paints at charcoal pencils; lahat sila ay nakatitig sa akin na tila ba hinihintay akong hawakan sila. Sa totoo lang ay hindi ko ito bibilhin kundi lang required. Kailangan kasi naming gumawa ng homework artworks at mahihirapan ako kung wala akong gamit. 

Alas onse na ng gabi pero ayoko pang matulog. Pinipigilan kong huwag ipikit ang mga mata sa takot na muling bumalik sa akin ang panaginip tungkol sa babaeng lagi kong nakikita. Hindi ko alam kung sino sya. Ano bang kailangan nya sa akin? 

Naputol ang pagmumuni-muni ko ng bigla na lang may kumatok sa tinitirhan kong apartment. Tumayo ako sa kinauupuan ko. 

"Sino 'yan?" marahan kong tanong. Wala akong hinihintay na bisita lalo na sa ganitong dis-oras ng gabi. Sino naman kaya iyon? 

Nagpatuloy ang pagkatok sa pinto pero sa pagkakataong ito, palakas na ito ng palakas. 

Mabilis kong hinablot ang school bag ko at ipinasok ang lahat ng art materials sa loob nito. Meron din akong isang maliit na canvass na nabili. Napaka-mura kasi noong nakita ko ito sa mall, naengganyo tuloy ako. Kinuha ko ito at ipinasok sa ilalim ng higaan ko. Pati ang bag ko ay inihagis ko sa sulok kung saan ito hindi makikita. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. Meron lang kasing pakiramdam dito sa dibdib ko na nagsasabing kailangan ko itong gawin. 

Pagkatapos, kinuha ko ang itinatagong baril sa loob ng cabinet sa tabi ng higaan ko. Marahan kong itong ikinasa at itinago sa likod ko. Dahan dahan akong lumapit sa pinto na parang isang pulis na papasok sa iraraid nyang building. 

"Sino 'yan?" ulit ko sa tanong ko. Hindi ako sinagot pero tumigil na sa pagkatok na tila ba may balak itong sirain ang pintuan ko.

Huminga ako ng napakalalim, hinawakan ang baril sa likod ko at saka mabilis na binuksan ang pinto. Halos pigil ang hininga ko matapos makita kung sino ang nasa likod ng pinto. 

"May balak ka bang paghintayin ako rito ng matagal? Ano bang ginagawa mo?" Si papa. Pumasok sya sa loob ng apartment ko na akala mo matagal na syang tumitira rito. Nakasuot sya ng itim na jacket at itim na pantalon. Para syang itinatago ng dilim, kahit sino ay walang gaanong makakapansin sa kanya sa porma nyang iyan lalo na kung gabi. Halata ang pagkairita sa boses nya pero wala akong magawa kundi sundan sya ng tingin. 

Anong ginagawa nya rito? Nagbyahe sya rito mula sa probinsya. Hindi maganda ang pakiramdam ko rito. 

"P-papa?" Sa wakas ay nahanap ko na rin ang boses ko. Kabado akong tumingin sa nakatalikod nyang pigura. Binibigyan nya ng tingin ang buong kwarto sa loob. Tama ako sa desisyon ko na itago ang mga art supplies na binili ko dahil kung hindi--

"A-ano pong ginagawa nyo rito?" 

May kinuha sya sa bulsa, isang papel kung hindi ako nagkakamali. Inipit nya ito sa pagitan ng dalawa nyang daliri para ipakita sa akin. 

Umikot sya at humarap sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang kaseryosohan ng mukha nya.

"Your second rose needs to be killed... immediately." sabi nya bago iniabot sa akin ang papel na naglalaman ng lahat ng impormasyon sa pangalawang pangalan sa listahan ko. 

*** 

Pumasok ako sa school na halos walang tulog. Pagkatapos ibigay iyon ni papa kagabi ay umalis na rin sya agad. Kasing bilis ng pagdating nya ang bilis ng paglaho nya sa paningin ko. Ni hindi man lang nya kinamusta ang kalagayan ko. Pumasok sya roon at tiningnan ang buong paligid pero bukod sa susunod kong misyon ay wala na syang ibang binanggit. 

The Seventh RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon