Chapter xxxiii ~ Fourth Rose

12K 377 81
                                    

Chapter xxxiii

Sa pagtawag ni papa, gusto kong magtanong. Gustong gusto. Gusto kong masagot na nya ang mga tanong na gumugulo sa isipan ko lalo na sa mga nangyari sa mga nakaraan na araw. Ano nga ba ang tunay na dahilan at ipinasok nya ako sa Princeton Academy? Bakit sa dinami rami ng school dito pa sa teritoryo ng gangster queen? Subalit sa seryosong tinig pa lamang nya ay napahinto na ako. Lalo na noong sinabi nya ang ikaapat na rosas ko, tuluyan ng lumipad ang lahat ng atensyon ko rito. 

"Ngayong gabing ito, may magaganap na gulo. Ito ang pinakamagandang tyempo para tapusin ang dapat na tapusin. May natitira ka pang tatlong oras. Gawin mo na bago masayang ang pagkakataon." 

Hindi ko naitago ng konti ang gulat ko. Gusto nyang tapusin ko agad ang ikaapat na rosas ko ngayong gabi? Sigurado ba sya? Iba ito sa mga nauna dahil ilang araw pa ang pinalilipas ko bago sila tapusin. Sa bawat misyon kasi ay kailangan ng ibayong pagplaplano para maging matagumpay ako sa gagawin ko. Pero ngayon, tatlong oras lang ang ibinibigay nya sa akin para makapagplano at makapag-isip. Ni hindi ko pa nga kilala kung sino, kung taga saan ba sya, o kung malayo ba o malapit ang lugar kung nasaan sya.

Sandali kong sinipat ang orasan ko sa may dingding. Alas sais imedya na ng gabi. Tatlong oras na paghahanda. Hibang na ba sya? 

"Tatlong oras po? Bakit hindi nyo po sinabi sa akin ng mas maaga para mas napaghandaan ko pa?" lakas loob kong tanong. Napalunok ako ng konti habang hinihintay ang pagsagot nya. 

"Nakakuha ako ng tip sa mga koneksyon ko. Ngayon ko lang din nalaman ayaw ko namang sayangin pa ang pagkakataon. Maghanda ka na Rose dahil hindi basta basta ang susunod sa listahan mo. Tapusin mo sya sa lalong madaling panahon." 

Sandali ko pang pinakinggan ang mga bilin nya at ang mga iba pang bagay na kailangan kong tandaan. Sa pag-uusap na iyon ay walang ibang umiikot sa isipan ko kundi 'matatapos ko na rin ang ikaapat na rosas ko sa wakas...malapit na ang kalayaan na hinihintay ko'. Kaya naman pagkababa ko ng telepono ay burado na ang lahat ng takot at pangamba sa utak ko. Ang mga katanungan tungkol sa Princeton ay ipinagsantanbi ko muna. May isinend sa akin si papa na litrato gamit ang cellphone. Habang pinagmamasdan ang nakangiti nyang larawan ay nabura ang lahat ng emosyon sa mukha ko. 

"Magdaleine Lozada Rodriguez." sambit ko sa pangalan na ibinigay sa akin ni papa. Ngayong gabing ito...sya ang ikaapat na rosas ko. 

***

 Suot ang itim kong pantalon at jacket na may hood, dumiretso na ako sa kotse para lumarga. Niresearch ko gamit ang internet ng cellphone ko ang address na ibinigay sa akin ni papa. Mabuti na lang at may technology na ngayon. Mas napapadali ang buhay ng tao. Isang pindutan lang, makikita mo na ang hinahanap mo. 

Hindi rin ganun kalayo ang ibinyahe ko dahil wala pang ilang sandali, nakarating na ako sa destinasyon ko. 

Nasa tapat ako ng isang malaking bahay ngayon. Ipinarke ko ang sasakyan di kalayuan para mas lalo ko pang mapag-isipan ng mabuti ang mga susunod kong hakbang. Mabuti na lang at madilim na. Hindi gaanong halata ang itim kong kotse sa paligid. Ang sabi ni papa, master daw ng arnis ang susunod kong biktima kaya kailangan kong mag-ingat. Pero sa totoo lang nung nalaman ko iyon ay hindi ko maiwasang maisip ang kanina lang na paglalaban namin ni Aziel. Kung si Aziel pa lang nahirapan na ako, paano na lang kaya sya kapag nagkataon? Pero mabuti na lang at walang rules na kailangang sundin at wala akong kailangang alalahanin. Dahil sa pagkakataong ito, maaari ko ng magamit ang baril ko ng walang pagdadalawang isip.

Misyon lang ito. Walang personalan.

 Sana lang ay matapos ko ito agad. Ayoko na rin kasing patagalin pa. Hindi naman sa naduduwag pero hanggat maaari ay ayokong makipaglaban sa kanya. Mahapdi pa rin ang mga kamay ko mula sa laban na naganap sa pagitan namin ni Aziel. Hanggang ngayon nga ay nakabalot pa rin ito ng puting tela. Pinatungan ko lang ng itim na guwantes para hindi naman ito maging agaw tingin sa halos kulay itim kong suot. 

The Seventh RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon