Chapter ii ~ Panaginip

37.7K 615 47
                                    

Chapter ii

May isang babae akong nakita. Nakaputi, nakaupo at mahaba ang buhok. Likod nya ang nakaharap sa akin kaya wala akong maaninag sa kung ano ang itsura nya. Sa pagkakaupo nya para syang umiiyak. Taas, baba, taas baba... nanginginig ang mga balikat nya sa pag-iyak. Gusto ko syang lapitan dahil naroon sya sa may sulok. Gusto ko syang tulungan at tanungin kung bakit sya nagkakaganun. 

Dahan dahan ay inihakbang ko ang mga paa ko. Isa, dalawa... huminto ako na abot kamay na sya. 

Sa malapit na distansya nakita ko na basa at magulo ang buhok nya. Para itong matagal na nababad sa tubig dahil pati ang balat nya ay nangulubot ng konti. Iniangat ko ang isang kamay para abutin sya ngunit agad din itong binawi bago pa magdikit ang kamay ko sa balikat nya. Nahahati ang utak ko kung dapat ba syang tulungan o hayaan na lang. Hindi ko naman sya kilala at hindi nya rin ako kilala. Baka mamaya sa pagtulong na ito sa huli, ako pa ang magdusa. 

Pero mas nanaig ang kagustuhan kong tumulong kaya bago pa man magbago ang isip ko ay kinalabit ko sya. 

Nagulat yata sya dahil mabilis syang humarap. Sa pagharap nyang ito ay kulang na lang lumipad ang lahat ng kulay sa mukha ko. Ang mga mata nya'y wala ng kulay. Lahat puti ni walang itim. Her face was agonizingly contorted. Hindi na tama. Hindi na normal. Nakaawang ang kanyang bibig at pati ang kanyang ilong ay bali na rin. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Gustong tumakbo ng mga paa ko pero pakiramdam ko ay napako na ito sa lupa na kinatatayuan ko. Her eyes might be dead but I feel like it was staring at the depth of my soul. Lumuha sya ng dugo at akmang aabutin para hawakan ang mukha pero wala akong magawa kundi panuorin sya. Nanginginig ko syang tiningnan at wala pang ilang sandali, muli kong nahanap ang boses ko. Sumigaw ako. 

Napabalikwas ako ng higa bago nagmamadaling umupo sa kama. Napakabilis ng paghinga ko pati na rin ang nakikipagsabayang pagkabog ng puso ko sa dibdib. Panaginip. Isa lamang palang panaginip. Pero bakit pakiramdam ko totoo? Bakit ang panaginip na 'to ay muling nagbabalik, tinatakot at hinahayaan akong patuloy na magtanong ng 'bakit?' Bakit ako nagkakaroon ng panaginip na ganito? Bakit sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko, mukha ng babaeng yun ang nakikita ko? Bakit paulit ulit? Bakit laging nagbabalik? Mamamatay tao ako pero... ni minsan ay hindi pa ako pumatay ng isang babae. 

Pwera na lang siguro sa kanya.

Sinipat ko ang orasan at nakita na alas tres na ng madaling araw. Always the same time, always the same dreams. May gusto bang ipahiwatig ang panaginip na ito o sadyang nagkakatulad lang talaga ang bawat panaginip na napapanaginipan ko? 

Humiga ako ulit pero takot ng ipikit ang mga mata. Ilang beses pa akong nagmuni muni at nag-isip bago bumangon. Kahit anong gawin ko alam kong hindi na ako dadalawin ng antok. Kaya mas mabuti pang lumabas at magpahangin. Magjojogging ako tulad ng madalas kong ginagawa sa umaga. 

Pagbalik ko sa bahay ng bandang alas-otso, tulad ng dati, nadatnan kong walang tao sa bahay. Medjo madilim pa nung dumating ako sa loob since wala naman kusang magbubukas ng ilaw kundi ako o si papa. Pero imposibleng bumangon sya ng ganitong oras. Maaga man syang magising ay hindi sya lalabas ng kwarto nya at doon na lamang magkukulong sa buong araw. 

Hindi ko masasabing kami ang pinakamayamang pamilya rito sa buong Pilipinas. Hindi kami mahirap at mas lalong hindi rin kami sobrang yaman. Para sa akin kung anong meron kami ay sapat na para sa amin lalo na't dadalawa na lang naman kami ng aking ama. Dito sa lugar namin, ang pamilya namin ang pinakamaimpluwensya at pinakakinatatakutan. Kahit saan ka magpunta sa lugar namin kapag narinig mo na ang pangalang 'Dela Torre' alam na nilang 'gulo' ang ibig sabihin nun. Kaya kung mahalaga pa sayo ang buhay mo, mas mabuting iwasan mo ang pangalang ito hanggat maaari. 

The Seventh RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon