Chapter xxxvi ~ The Queen

10.6K 379 136
                                    

Chapter xxxvi

Dalawang araw na lang ang natitira bago ang pasahan ng History project namin. Natapos ko na ang parte ko ngunit ang kay Nathan ay ilang araw nang nakatengga para gawin nya. Kinakabahan ako para sa grades ko pero mas higit na kinakabahan ako para sa kanya. Magmula kasi noong nawala ang lola nya ay tila ba bumalik sya sa dati. Palagi ko na ulit syang nakikita sa school na may kasamang iba't-ibang babae. 

Gusto ko syang kausapin pero hindi ko magawa. Patuloy pa rin kasi akong kinakain ng konsensya ko at ayaw ako nitong patahimikan kahit anong pagtataboy ang gawin ko. 

Nakadungaw ako sa may bintana noong may kumalabit sa akin. Nilingon ko ito at nakita si Rico, malaki ang ngiti sa akin. 

"Anong ginagawa mo jan at ang seryoso ng mukha mo? Kanina ka pa tulala jan ah. Love life ba yan? Share mo naman dali!" 

Bumuntong hininga ako. Kung sana nga yun lang. 

"Anong ginagawa mo rito? Alam kong may pakay ka sa akin kaya mo ako hinanap." 

"Magpapatulong pa ako sayo remember? Hindi pa tapos ang misyon natin." 

"Misyon? Anong misyon?" kumunot ang noo ko. 

Mas lalong lumaki ang ngiti nya. "Nyree?" Itinaas taas pa nya ang kilay nya tanda ng pagkasabik para sa bagay na ayaw nyang bitawan. 

Dahil sa mga sunod sunod na pangyayari nitong mga nagdaang araw ay halos nakalimutan ko na itong request nya sa akin. Kung hindi pa nya siguro sasabihin ay hindi ko na maaalala. 

"Ano ba ang pwede kong maitulong at ng matahimik ka na? Hindi ko na sya gaanong nakikita ngayon. Alam mo ba kung nasaan sya?" 

"Ang alam ko papasok sya ngayon. This is Leira! This is it!" 

"Rico naisip ko lang ah, bakit ba kasi ako? Pwede namang si Nathan, si Kelly o kahit pa si Serene. Di ba kaibigan mo sya? Di hamak na mas close sila kay Nyree kaysa sa akin so bakit ako? O kaya bakit hindi na lang ikaw? Sa gwapo mong yan sa tingin mo tatanggihan ka pa nya? Imposibleng mangyari yun." 

Bahagyang namula ang mukha ni Rico, isang bagay na ikinagulat ko. Ang sarap pisilin ng mga pisngi nya. May nalalaman pa syang pakamot kunwari sa ulo. 

"Akala mo ba kung kaya ko itong mag-isa eh magpapatulong pa ako sayo o kahit na sino? Its...its complicated. You won't understand because you wouldn't know." 

"Then tell me." 

Umiling sya sa akin. Sa sobrang bilis halatang may itinatago sya. 

"Hindi pwede." 

Ano kayang meron? Anong komplikado? Ano bang itinatago ni Rico? Myembro rin ba sya ng Eltes? 

Ibinalik ulit nya ang malaking ngiti. 

"Basta tulungan mo na lang ako Leira na mapalapit kay Nyree. Kapag nagawa mo yun, I'm going to give you one wish. Kahit ano ibibigay ko. Tulungan mo lang ako." 

***

Hinanap ko si Nyree pagkatapos ng pag-uusap naming iyon. Hindi dahil sa ibibigay sa akin ni Rico na 'isang hiling' kapag nagkataon na tinulungan ko sya, kundi dahil sa mukha nya na parang bata na sobrang kulit. Kahit sino yata na makakakita ay hindi matitiis ang pagpapacute at paawa epek na ginagawa nya. 

"Nathan!" tawag ko sa pangalan nya noong nakita sya. Hindi sya lumingon agad kaya hinabol ko sya. 

Naabutan ko sya at sa oras na nagkaharap kami, hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. May iba sa aura nya ngayon. Nitong mga nagdaang araw palagi na lang syang seryoso. 

The Seventh RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon