Chapter xxix ~ Elites

15.8K 401 41
                                    

A/N: 

Pasensya na sa matagal na UD. Hayaan nyo babawi ako :) Anyway, godbless everyone and keep inspiring! <3

#################

Chapter xxix 

Hinila ako ni Rico palabas ng library. Dumiretso kami papunta roon sa may school garden kung saan nagaganap ang taunang 'Garden Competition' ng Princeton Academy. Nalaman ko ang lahat ng ito dahil kay Nyree noong nagkwentuhan kami ilang araw na ang nakakalipas. Hindi pa kasi ganun katagal ang inilagi ko sa paaralang ito kaya hindi ko pa alam ang mga events na ginagawa taon taon. Sabi nya ang 'Garden Competition' daw ay para lang sa mga estudyante mula sa walong baitang hanggang sa sampung baitang. Pagandahan daw ito ng garden para sa bawat klase. Tapos ang klase na mananalo ay may surpresa na premyo mula sa school administration.

Ang mga senior year sa labing isang baitang at labing dalawang baitang ay labas na raw rito. Kaya ang ibig sabihin, kami nila Rico ay hindi na pwedeng sumali. Nakakapanghinayang pero... ganun talaga. 

Hindi ko alam kung bakit kami nagtatago sa likod ng mga halamanan di kalayuan kung nasaan abalang nagtatanim si Nyree kasama ng mga kaklase nya. Sapilitan kasi akong hinila ni Rico pababa noong makalapit kami. Ayokong magtago na parang timang pero ng dahil sa kanya napasama ako.

"Ano ba Leira magtago ka! Wag kang magpapakita! Wag kang magpapakita!" naaalrmang sabi ni Rico sa akin. 

"Ano ba kasing ginagawa natin dito?" 

"Wala lang. Gusto ko lang makita si Nyree." Tinawanan nya ako. 

Hindi ko mapigilang mapakamot.

"Ha? Eh bakit dinamay mo pa ako kung ganun?" 

"Tutulungan mo nga ako na mapalapit sa kanya di ba? Pagkakataon mo na 'to para makapag-pogi points na ako sa kanya!" 

Pilit nya akong itinutulak palabas kung saan kami nagtatago pero kumapit ako sa may kalapit na puno. Ayoko nga! Ni hindi pa nga kami nagkakabati ni Nyree dahil sa nangyaring bangayan namin sa labas kanina. Tapos heto, pipilitin nya ako?

"Ayoko! Wag muna ngayon! Ano ba Rico. B-bitawan mo ako!"

"Ako ang bitawan mo! Leira yung paa ko! Aray! Aray, aray!"

"Bitawan mo na kasi ako!"

"Bibitaw ako kung bibitaw ka!" 

Patuloy pa rin sya sa pagtulak sa akin pero kumapit na ako sa paa nya. Itinutulak nya ako sa may tagiliran, sa likod, pati na rin sa paa pero hindi talaga ako patitibag. Kung gusto nya akong maitulak palabas kung saan kami nagtatago, isasama ko sya.

Para kaming mga pusit na nakapulupot sa isa't-isa. Nagtutulakan at naghihilaan. Ni isa walang gustong bumitaw. Kaya noong may marinig kaming malakas na 'ahem!', kulang na lang ay maitilapon kami sa magkabilaang dulo dahil bigla kaming nagbitawan sa isa't-isa. Malakas na lumapag ang pwet ko sa may lupa na agad ko namang hinapo. 

Isang malakas na tawa, iyon ang narinig namin kaya agad kaming napatingin dito. Laking gulat na lang namin matapos makita na si Nathan pala ang taong ito. Dali dali kaming tumayo agad ni Rico mula sa kinasadlakan namin.

"Ano bang ginagawa nyong dalawa? Para kayong mga timang na nagyayakap dyan. Humanap nga kayo ng lugar!" 

"Hindi ah!" Halos sabay naming bulalas ni Rico.

Hay buhay! Si Rico kasi eh! Ipagpilitan kasi nyang lumapit ako kay Nyree para sa kanya. Gawin ba naman akong tulay sa relasyon nila. 

"Ows? Talaga?" Namula ang mukha ko sa hiya. Pero kung makatingin naman sya sa amin akala mo isa syang creeper sa horror movie. "Ano ba kasing ginagawa nyo jan?" 

The Seventh RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon