Chapter xxvi ~ Huli ka!

17.2K 415 54
                                    

A/N:

Halos katuloy lang ng last UD itong first part ng chapter na ito.

Enjoy! :)

###

Chapter xxvi

Minaniobra ko ang kotse at mabilis itong pinaharurot. Masyado akong nakatuon sa daan kaya noong may matamaan ang headlights ko na isang pigura ng tao, kulang na lang ay lumipad ang kotse ko mapahinto lang ito. Grabe ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang lapit ng agwat nito sa muntik nang pagkakabunggo. Hindi nga ako nagkamali dahil isang tao ang nasa harapan ko, duguan sya at mukhang nanghihina. Hindi ko na nakita ng malinaw ang mukha nya dahil mabilisan syang bumagsak sa harap ng kotse ko. Noong una hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung tutulungan ko sya o hindi dahil hindi ko naman sya kilala.

Gayunpaman, noong may nakita akong bumangga na kotse di kalayuan na kasalukuyan nang tinutupok ng apoy, napagtanto ko na kung saan sya galing.

Sya yung humahabol sa kotse ng ikatlo kong rosas. Sya yung lumusob sa gang nila kaya napurnada ang plano ko. Sya yung lalaki na kung tawagin ay Souta  ng mga kasama nya kanina.

Nagtatalo ang isip ko kung tutulungan ko ba sya o hindi. Pero base sa malubha nyang kalagayan, kung hindi ako gagalaw baka ito na ang huli para sa kanya.

Ipinasok ko sya sa kotse at mabilis na pinaharurot. Kinakabahan ako at natatakot para sa kanya sa hindi malaman na kadahilanan. Halos makipagpatintero pa ako sa pulis para lang maidala sya sa pinakamalapit na ospital sa lalong madaling panahon-- isa bagay na hindi ko naman madalas na ginagawa.

Binuhat ko sya sa may emergency room noong makarating kami sa ospital.

"Tulong! Tulungan nyo ako please! Emergency! Emergency!!" paulit ulit kong sigaw habang naghahanap ng nurse na makakapansin sa amin. Noong may nakapansin na sa mga pakiusap ko mabilis nila kaming inasikaso. Inilagay si Souta sa higaan at mabilis na nilapatan ng lunas. Ipinasok sya loob ng emergency room noong dumating ang doktor. Sabi nila dahil sa pagkakabangga ay kailangan daw syang operahan sa lalong madaling panahon.

Tinanong ako kung kamag-anak daw ba ako. Sabi ko hindi. Gusto ko na sanang umalis kaso pinigilan ako ng mga nurse. May mga sugat din daw kasi ako na kailangang lapatan ng lunas. Kahit ayoko ay wala rin akong nagawa. Nanghihina rin kasi ako mula sa habulan na nangyari lalo na noong makita ko ang reaksyon ni Laurente noong makita ako.

Bakit sya takot na takot? Bakit nya kilala ang mama ko?

"Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente?" tanong sa akin ng doktor na halos kalalabas lang mula sa emergency room.

Ilang beses na nila itong itinatanong sa akin, hindi ba nila ako naririnig?

Umiling ako bilang sagot.

"Kilala mo ba sya hija? Alam mo ba kung ano ang pangalan nya?"

"Hindi po. N-naabutan ko lang po sya sa daan na humihingi ng tulong kaya tinulungan ko." Mabuti na lang at hindi na nila tinanong kung saan ko nakuha ang mga sugat ko sa katawan.  Wala rin naman kasi akong balak sagutin ang tanong nila.

"Ayoko sanang bigyan ka ng problema hija pero emergency lang talaga. Ilang taon ka na ba?"

"S-seventeen po." sandali pa akong inassess ng doktor mula ulo hanggang paa. Ang dami na nitong wrinkle sa mukha dulot ng edad. Nakatali ang buhok nito sa likod at nakabulsa ang mga kamay. Kahit na matanda na maganda pa rin sya at napakalambing ng boses.

"Alam mo ba kung ano blood type mo?" Tumango ako. Blood A+ ako. Parehas kami ni mama sinabi sa akin ni papa noon.

"Kulang kami sa supply at nanganganib ang buhay ng pasyente na idinala mo rito dahil sa dami ng dugo na nawala sa kanya. Wala syang dalang identification ID, ni cellphone ay wala kaming makita. Kung wala kaming impormasyon, hindi namin macocontact ang pamilya nya... which will only bring us with a limited choices." Huminto sya saglit. Nakatingin sya sa mga mata ko. "Pwede mo bang subukan hija kung compatible ang blood type mo sa donor? Please... in order to save his life we need to do this." Puno ng pagsusumamo ang mukha nya-- isang bagay na hirap kong tanggihan.

The Seventh RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon