Chapter xxv ~ Third Rose

18.3K 424 75
                                    

Chapter xxv

Nanlalamig ako matapos makaengkwentro ng panibagong panaginip. Isang panaginip kung nasaan naroon ang babaeng nakaputi. Ngunit sa pagkakataong ito, may hawak syang kulay itim na bagay. Itim na kwaderno kung hindi ako nagkakamali, isang bagay na tulad nya, ay patuloy na humahabol sa akin sa bangungot sa tuwing ipinipikit ko na ang aking mga mata. 

Huminga ako ng malalim at naginginig na niyakap ang sarili. 

Bumabalik sa akin ang araw kung saan bigla na lamang nagpakita sa akin ang babae sa harap ng maraming salamin sa loob ng store. Nahihiya ako dahil sa inasta ko pero mas lalo akong nahihiya kay Nathan na syang nakasama ko sa mga oras na iyon. Inihatid nya akong tulala, tahimik at wala ng enerhiya para magbiro. Alam kong ilang beses nyang sinubukan na makipag-usap ako sa kanya para mawala ang takot ko at para na rin pagaanin ang sitwasyon. Pero binigo ko sya. Gayunpaman, may nakita na naman akong panibagong side nya na hindi ko akalaing meron ang isang katulad nya na walang pakialam sa nararamdaman ng mga babae. Pwera na lang kung kaibigan nya. 

May pagkachickboy man at loko loko, ngayon ko lang napatunayan na maalaga pala syang tao. Sa totoo nyan ay akala ko iiwan nya ako sa store noong araw na iyon, pero hindi nya ginawa. Inalalayan nya ako hanggang sa makalabas kami at makasakay sa kotse nya. Kusa syang pilit na nagpapatawa kahit hindi ko feel ang tumawa. Tahimik man at tila walang pakialam sa mundo noong mga oras na iyon, na-appreciate ko ang ginawa nya. 

Minsan tuloy hinihiling ko na sana nagkakilala kami sa ibang pagkakataon. Sa isang pagkakataon na maayos ang lahat. Walang bastusan na naganap. Walang mahangin na tulad nya. At walang tulad ko, na isang assassin na pumapatay ng tao. 

Minsan nang pumasok sa isipan ko ang salitang kaibigan pagkatapos nito ay ang salitang mahal. Natawa ako sa sarili ko dahil sa isang napakalaking ilusyon. Mahal, sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan nanggaling iyon. Sa tuwing iniisip ko ang kabutihan na ginawa nya sa akin noong araw na iyon hindi ko mapigilan ang mangarap. Na isang araw meron ngang tao ang magmamahal sa akin, mag-aalaga at hindi ako iiwan. 

Pero imposible. 

Sinuway ko na minsan si papa na hindi dapat ako magkakaroon ng kahit na sinong kaibigan sa Princeton Academy. Idagdag mo pa ang pagkakaroon ko ng relasyon sa kahit anong may kaugnayan sa sining ng pagpipinta. Bawal, pero ginawa ko pa rin. Isa itong malaking panganib para sa panig ko. Kaya kung dadagdagan ko pa ito ng salitang mahal, isa na akong malamig na bangkay kinabukasan. 

Napahawak ako sa pisngi ko. Mahapdi pa rin kasi ito hanggang ngayon. Noong araw na hinatid ako rito ni Nathan, nag-aabang na pala sa loob ng apartment ko si papa. Madilim ang mukha nya at halatang hindi sya masaya. Pinakawalan nya ang isang napakalakas na sampal sa pisngi ko sabay sabi ng

"Marunong ka ng sumaway ngayon!" 

Alam kong hindi nya tinutukoy ang paghatid ni Nathan dahil una sa lahat, sa may isang kanto pa ako nagpababa at hindi sa eksaktong tapat ng apartment na tinutuluyan ko. Gayunpaman, nanlamig ang buo kong katawan sa takot. Magmula noong magpunta ako rito sa Maynila ay marami na akong sikretong itinatago sa kanya, isang bagay na hindi ko ginagawa noong nasa probinsya pa ako. Una na roon ay ang pagkakaibigan ko sa magkapatid na Fray at syempre ang pangalawa ay ang painting na ginawa ko sa school. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pag-aalboroto nya. Kaya naghanda na ako sa kaparusahan na ipapataw nya. 

Pero noong magsimula na syang magsalita tungkol sa hindi ko pagsagot sa mga tawag nya, nakahinga ako ng maluwag. Iyon lang pala ang dahilan. Kung ganun, ligtas pa ako hanggang ngayon. 

Sa pag-alis nya noong araw na iyon ay may hinagis sya sa aking isang kapirasong papel. 

"Third Rose." sambit nya. Nawala ang takot at sakit na nararamdaman ko mula sa paghampas nya sa mga pisngi ko. Dahil napalitan ito ng pag-asa... at saya sa hindi maipaliwag na kadahilanan. 

The Seventh RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon