Chapter xxii ~ Isa, dalawa, Takbo!

20.6K 374 42
                                    

Chapter xxii 

Sa buong araw, walang ibang ginawa si Nyree kundi puriin ako. Sabay pumasok sila Nyree at Kelly pero matapos akong makita, nagpaalam na sya sa kapatid at umalis. Hindi ko pa nakikita sila Rico at Nathan kaya hindi ko pa alam kung anong reaksyon nila kung sakali mang makita nila yung painting. Gayunpaman, kahit ano mang puri at hanga ang makita ko sa mata ng iba, ganun naman ang nararamdaman kong kaba sa dibdib ko. 

Lotus flower... talaga bang iyon ang ipininta ko?

Kasalukuyang binubuksan ni Nyree ang locker nya. Isang singap at napatingin ako sa kanya, hinahanap kung bakit ganun na lamang ang reaksyon nya. 

"Bakit?" Mas lalo ko pang binuksan ang locker nya para makita ko ang laman nito. Sa loob nito ay ang isang pulang oras. 

"Kanino galing?" Dahil nakakasigurado naman akong hindi akin galing. Pwera na lang kung... dahan dahang sumilay ang ngiti sa mukha ko. "May nanliligaw ba sayo?" 

Pinagmamasdan ni Nyree ang pulang rosas sa kamay nya. "Hindi ko alam..." naguguluhan nyang tanggi. "Pero... nitong mga nagdaang araw, palagi na lang akong may nakikitang pulang rosas dito sa locker namin." 

"So may nanliligaw nga? Sino?" Hindi ko mapigilang matuwa para sa kanya. Maganda sya, mabait at isang mabuting kaibigan. She deserves it. 

Umiling sya. "Hindi ko alam. Hindi ko sya kilala. Pero baka... baka hindi naman kaya akin? Baka kay Kelly?" isinoli nya ang pulang rosas sa loob na parang nakuryente sa pagkakahawak nito. Kinuha ko ito at saka isinoli sa kamay nya. 

"Sayo yan. Ano ka ba." 

"Pero wala namang pangalan. Malay mo hindi talaga akin." 

This time natawa na talaga ako. Hindi ko alam na sa ganda nyang nakakaramdam pa sya ng insecurities sa sarili nya. Puno man ng pag-aalinlangan, kinuha nya pa rin ito at saka pasimpleng inamoy. Hindi na rin maitanggi ni Nyree ang tunay nyang nararamdaman dahil tuluyan na nga syang napangiti. Magaan man ang loob ko sa kanya at isa man sya sa maituturing kong pinakamalapit sa salitang 'kaibigan', pinapanatili ko pa ring gwardyado ang emosyon ko. 

Noong maghiwalay kami ng landas, nakita ko si Nathan sa may hallway. As usual, tulad noon bago pa man kami nagkaroon ng detention, mayroon na naman syang bagong kalampungan sa tabi nya. Napailing na lang at saka huminga ng malalim. Hindi na ba matututo ang taong tulad nya? Sa ginagawa nya, mas lalo lang ipinupunta ang sarili sa alanganin. But who am I to judge? Hindi ko alam ang pinagdadaanan nya sa buhay at mas lalong hindi rin naman nya alam ang akin. Pero sa mga sandaling iyon, doon ako nakaramdam ng kyuryosidad. Kahit sandali ko lang nakasama si Nathan sa detention, kahit na ba hambog sya at masyadong mahangin, mabuti pa rin syang tao.

Napansin ko na malapit sya kay Rico. Kapag nagkakaroon na ng problema sa grupo namin habang nagpipinta, sya ang laging nagdadala at nagpapatawa para pasayahin kami. Binibigyan nya rin kami ng pagkain (lalo na si Rico) at dinadalhan ng tubig kahit na ba aasarin at iinisin nya muna kami bago ibigay ito. Noong nakita kong nadapa si Kelly, agad nya itong tinulungan ng walang pag-aalinlangan. Nandoon rin sya noong di sinasadya kong natabig si Nyree. Malayo man, nakita ko na niyakap nya si Nyree at saka pinatahan. Para syang isang kuya, na kahit anong kapilyuhan at kabulastugan ang gawin, sa huli nanjan pa rin, hindi man halata pero binabantayan ka. 

Doon ko lang narealize kung paano sya magpahalaga sa isang kaibigan. Iba man ang lumalabas sa bibig, iba naman ang pinapakitang aksyon ng sarili nyang katawan. 

Kaya ngayon habang nakatingin sa kanya kasama ang babae na lantaran nyang nilalandi, hindi ko maiwasang mapaisip. Bakit kaya? Anong nagtutulak sa kanya para gawin ang bagay na ganyan kung kaya naman nyang pumili ng isang babae at doon ibuhos ang lahat ng pagmamahal na gusto nyang ibigay? 

The Seventh RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon