Chapter xxxii ~ Dwelo

12.4K 381 47
                                    

Chapter xxxii

"Leira kung sakali na may makilala ka na myembro ng Elite clan anong gagawin mo?" Naaalala ko pa ang ang kwentuhan namin ni Hollis noong nasa probinsya pa ako. Parehas pa kami noon na mga bata, puro palaisipan at pangarap lamang ang iniisip. 

"Tatanungin ko sila," sagot ko, taimtim ang mukha ko. Tumingin sa akin si Hollis, halata ang katanungan sa ekspresyon na ipinapakita nya. 

"Ng alin?" 

"Kung paano ba ang maging malaya." 

Alam ko ilang taon na ring lumipas magmula noong mapag-usapan namin iyon. Ngunit ni sa hinagilap ay hindi ko aakalain mangyayari iyon. Isang karangalan ang makakilala o kahit pa makasalamuha ng isang Elite sa gangster society. Kadalasan sila ang pinakamalakas, pinakamagaling at pinakamaimpluwensya kaya kahit ako na batikan na pagdating dito ay walang laban. Matapang ako pero hindi ako tanga. Naging 'Class A' sila dahil may ibubuga sila. Hindi sila seselyuhan ng ganung pangalan kung walang rason. 

Sa mundo na ginagalawan ko, sila ang pinakakinatatakutan. Kalabanin sila at mararanasan mo ang impyerno. 

Hindi ko alam kung saan nila ako dinala dahil pagkatapos hawakan ng napakahigpit ang mga kamay ko sa likod, tinakpan sin nila ang mga mata ko gamit ang isang malaking panyo. Hindi ako lumaban dahil ayoko ng gulo. Ang magagawa ko na lang ay manatiling kalmado at handa sa kung ano man ang maaaring mangyari. 

Hindi kami lumabas ng Princeton, doon ako nakakasigurado. Matapos ang mangilan ngilang paglalakad at paliko liko sa bawat daraanan, nakita ko na lamang ang sarili sa isang madalim na kwarto. Wala na ang piring ko at mas lalong wala na ring may hawak ng mga kamay ko. Nakaluhod ako sa isang malamig na semento at ang isang maliwanag na puting bumbilya lamang ang pinagmumulan ng liwanag sa loob. 

"Alam mo bang ang pagpasok mo sa Princeton ng hindi dinedeklara na myembro ka ng isang gang ay isang paglabag ng batas ng Princeton Academy?" ani ng isang anino na nasa gilid. Humakbang ito paabante at nakita ko ang mukha ni Aziel. Nasa tabi nya si Kelly na nakatupi ang mga braso habang ang mga tingin ay nasa akin. Alam kong katulad ng kanina ay hindi ako nag-iisa. Sa palagid ay ang iba pang mga anino ng mga humawak sa akin kanina. Tahimik lamang silang nagmamatyag at nakikinig. Tahimik na naghihintay ng utos sa maaaring gagawin. 

"Hindi ko alam na may batas na ganun." Hindi ako yumuko. Tumingin ako diretso kay Aziel dahil iyon ang totoo. Kapag yumuko ako rito o nag-iba ng tingin, baka akalain nila na nagsisinungaling lang ako. 

"Sa lahat ng gang na nakakakilala sa gangster queen alam iyon. That's a number one rule to any gang member from different gangs who enters the queen's territory." Hindi nagbago ang kaseryosohan sa mukha nya. "May iba ka pag mga kasama na nakapasok sa loob? Magsabi ka ng totoo o hindi magiging maganda ang magiging kapalaran mo rito." 

Umiling ako. "Mag-isa lang ako." 

Tumingin sya kay Kelly na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa akin. "Hindi ko akalain na may nakatakas sa mahigpit nating pagbabantay. Masyadong mainit ang labanan ng Ellipses sa Black Savage ngayon. Patay tayo kay GClef kapag nalaman nya ito." 

Sinabi na nila sa akin kanina na sina Kelly, Aziel at ang ilan pa sa Ellipses na narito ang tagabantay sa school na ito. Responsibilidad nila na panatalihing maayos ang academy at malayo sa mga posibleng kalaban na maaaring sumabotahe sa kanila. 

Hindi na nakapagtataka kung bakit kahit sikat ay tahimik lang ang Ellipses. Numero kasi sa kanila ang kaayusan hanggat maaari. 

Narinig kong masinsinang nag-usap sina Kelly at Aziel. Tahimik akong nakiramdam dahil alam kong sa pag-uusap na iyon nakasalba ang kapalaran ko. Hanggang dito ay ramdam ko ang hindi pagkagusto sa akin ni Kelly. Halatang nagtatalo sila sa mainit na diskusyunan. Gusto ko sanang makinig ang kaso napakaraming katanungan ang umiikot sa isipan ko. 

The Seventh RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon