Chapter 6

2.1K 38 9
                                    

Trigger warning: The following material contains sensitive topic such as attempted raped and sexual scenes. Please refrain from reading if the said topics disturbs you. Your mental health matters. Thank you!

Almost

"Allen, we're done. Pwede na raw umuwi,"  Val announced while I am busy browsing on my phone.

Tinapunan ko siya ng tingin bago ako tumango.

"Okay. Idaan mo sa Jollibee. I'm kind of hungry," sabi ko.

I stood up and took my things. Dinampot ko na rin ang charger ko at inilagay sa bag bago isinukbit iyon. Hinarap ko si Val na may tinatawagan sa phone.

She mouthed, "Go on. I'll follow," at me.

I gave a simple nod and went outside. Nakasalubong ko pa ang ilang sa mga production staff at managers ng ilang modelong kasama ko sa proyekto.

"Rest well," ani isa sa nakasalubong ko.

"I will. Thank you."

Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa makarating sa sasakyan. Sa loob pa lang ay dama ko na ang pagod para sa buong maghapon. Dad has been asking me if I can join them for dinner tonight, I told him I can't. Sa condo na ako didiretso para magpahinga.

The whole day was so tiring dahil sa dami ng shots na kinailangan at mga baguhan pa ang ilang modelong kasama ko at kumuha pa ng video para sa isang online advertisement. Wala namang kaso sa akin since nanggaling din ako sa pagiging baguhan but it is really tiring.

Val went out after ten minutes.

"Jollibee again?" she asked.

"Oo. Comfort food," tugon ko.

"I told your brother, Max, that you can't come tonight."

I pouted at that. "Kaya nga, eh. Kung kailan naman nakauwi si Kuya after two months in U.S saka naman full ang schedule ko."

Humalakhak siya habang nagmamaneho.

"Hindi ba sinabi sa iyo ni Kuya mo na makakauwi siya ngayong buwan?"

I shook my head in advance of my answer.

"Hindi daw siya sigurado, eh."

She looked at me with disbelief.

"Huh? Sabi niya kasi a-attend siya ng birthday ng pinsan ko kaya uuwi talaga siya lalo at nalaman niyang nakauwi iyong dating partner ni Ate Ven," mahabang paliwanag niya.

I arched my brows. "Bakit? May relasyon ang pinsan mo at si Kuya?"

Kumibit-balikat siya.

"Oo yata? Kay Ate Ven niya nakuha ang number ko, eh."

"Kinuha niya ang number mo?" eksaheradang tanong ko.

"Oo. Huwag mong lagyan ng malisya at kay Ate Ven iyang Kuya mo," aniya, tumututol agad sa naging tono ko.

Humalakhak ako at hinampas siya. She glared at me.

"Masyado ka namang defensive," sita ko.

"Hmp! Alam ko ang takbo ng utak mo, Allen."

I continued laughing at that. Natigil lang noong nasa drivethru na kami.

"Nadadagdagan ba ang taba ko?" tanong ko matapos uminom sa coke float.

We're heading to my condo now, doon niya ako ibababa.

"Hindi. Ganiyan ka na talaga," sabi niya.

I grimaced at that.

Progeny #1: Embers Of DevotionWhere stories live. Discover now