Chapter 32

3.3K 37 19
                                    


Motherhood

Pain. It comes in many forms. Some bear the form of sadness and misery. Some with anger and revenge. Some with vulnerability and loss of will to continue living. Some… bears form a scared little ferret who only wants to run and hide from it.

And I am one of them.

Kahit anong ganda ng tanawin ang nakalahad sa harap ko, kahit gaano karaming mabubuting tao ang makasalamuha ko, hindi noon matatakpan ang butas na naiwan sa puso ko.

Santorini Greece is a beauty. Kung pwedeng dito na lamang ako manatili, gagawin ko. Ngunit alam kong kahit gaano pa kaganda ito, gaano pa ako tanggapin ng mundo rito, hindi ako kailanman mapapabilang. Dahil sa ang sarili ko mismo ang nagbabawal sa akin na maging masaya.

Funny how we, humans, want to have peace and happiness but sometimes, we’re the one who deprives ourselves of it. Kasi pakiramdam natin, kalabisan iyon. Maybe…this is my karma. I am destined to live like this. Not empty but incomplete. Minsan, inaakala ng taong mas mabuti ang kulang kaysa wala talaga. But they will never understand that to feel incomplete is worse than to be empty. Kasi kapag wala nang natira sa iyom wala ka nang mararamdaman. Pero kapag kulang ka, damang-dama mo iyon. Because for you to be incomplete, that means you are complete before. Kaya alam mo kung ano iyong nawala. Alam mo kung anong sakit ang idinulot noong nawala sa iyo.

Two years. I live alone for two years. Kahit kailan hindi ako nakaramdam na buo ako. Na masaya ako. Tahimik, oo. Payapa? Nakalimutan ko na ang ibig sabihin noon. Ang pakiramdam noon. Maaring dahil ang kapayapaan ko, tinalikuran ko rin.

Ilang beses ng tumawag ang mga magulang ko sa linggong ‘to pero hindi ko iyon sinasagot. Dahil umiiwas ako. Dahil takot ako. Dahil sawa na ako sa pualit-ulit na lumalabas sa kanilang mga labi sa tuwinang kausap ako.

Two years. Dumaan ang taong iyan na tila kaybagal para sa akin. Habang umuusad ang iba sa paraang tila inililipad sila ng hangin, ako naman ay tila sa buwan naglalakad. Mabagal ang pag-usad o…baka nga hindi.

I took a picture of myself but I do not intend to post it on any social media platform. Wala na ako noon. Isa sa tinanggal ko sa sarili ko. If I can let go of my parents, then I can also let go of my social life. The extrovert before…that always pleased when people noticed her, is now afraid to be the center of attraction.

“Saan next stop?” Umupo si Valeria sa tapat ng inuupuan ko.

“You think Faroe Island is good?”

Umirap siya sa akin.

“Talaga bang mga sulok-sulok ng mundo ang gusto mo?”

I smirked at her. Kumuha ako ng candy sa bag at binuksan iyon.

“Saan mo ba gusto?” tanong ko.

She looked away and pouted her lips.

“Pilipinas.”

Natahimik ako roon. Val always suggest to go back but I am not yet ready. Hindi ko pa alam kung paano pakikiharapan ang aking pamilya na tinalikuran ko. They gave me their permission, though. Pero wala ni isa sa kanila ang nag-akalang sa isang taon, isang beses lamang nila ako makakausap.

“You can go back, you know,” I told her.

Sinipat niya ako ng tingin.

“Do you think you’ll be alright?” she asked back.

I nodded my head and looked away.

“Sanay naman akong mag-isa. Hindi naman ako malulungkot,” sabi ko.

She huffed at me.

“Sige na. You can leave ma alone, Val. Hindi naman ako bata.”

“Paano kung atakehin ka ng panic attack sa public?” she asked.

Progeny #1: Embers Of DevotionWhere stories live. Discover now