Chapter 34

3.6K 46 27
                                    

Balita

I have to leave. Kung hindi ko gagawin, baka kung ano pang magawa ko sa anak ko kahit na hindi ko iyon kagustuhan, wala akong magagawa.

“She’s just two years old, Allen!”

That was the first time I heard Mommy shout at me. Siya ang pinakamalumanay kapag ako kausap. Dahil para sa kaniya, lahat madadaan sa mahinahong usapan. But then, I turned her like this.

Yakap-yakap niya si Raja, pinoprotektahan ito laban sa akin. Sa akin na ina. Na nagluwal. Na nagmamahal sa anak ko pero…nagagawa ko pa ring masaktan ito.

“Tell me what’s happening., Biallen,” si Daddy na dinig ang pagtitimpi sa kaniyang boses.

Nanginginig ako sa nararamdamang takot dahil sa mga tingin nila sa akin. My cousins are looking at me with fear in their eyes. Fear for what I’ve done to my own child.

“T-tito, baka po hindi sinasadya ni… Allen,” si Iope.

“Is that true, Allen? Is that true? Hindi mo sinadya? The CCTV footage is here! Hiniklat mo…” hindi makahinga si Daddy sa galit.

He went to me as my mother cried his name. Dad’s eyes were covered in fury.

“Tell me, Allen, nagawa ko pang pagmalupitan ka?” mapait na tanong niya. “Nagawa ko bang s-saktan ka. Hu? Katulad ng ginawa mo sa anak mo? She’s your daughter! Hindi lang anak ng lalaking iyon kundi iyo rin. Paano mo nagawa?!”

Disappointment. That’s what I saw from my family’s faces. And when Kuya Tarian came inside with my brother Kuya Max holding his daughter carefully in his hands, I shivered in fear, too. Another disappointment faces them.

“What happened, Dad? Ayos na ba si Raja?” si Kuya Max.

Kuya Tarian faced me.

“You did this?”

“Tarian, she didn’t mean it,” Ate Dilay interjected but my brother didn’t bother to look at her.

“She didn’t? If your daughter died… naisip mo ba iyon, Briallen? Bakit sa anak mo ibinubuhos lahat ng galit mo?!” Tumaas ang boses niya.

Bumagsak ang aking tingin sa aking paanan dahil hindi ko na kaya pang salubungin ang kanilang mga tingin. Ramdam ko ang malamig na pakiramdam dahil sa kaniyang mga titig. Naramdaman ko si Isy sa aking likuran.

“Calm down, Allen,” she murmured.

Ni hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako at halos ‘di makahinga.

Iniangat ko ang aking kamay na kahit malinis na, malinaw sa aking alaala ang pakiramdam ng mainit na dugo roon, nagmumula sa ulo ni Raja. Ang pagkakabagok niya ay lumikha ng sugat na ipinagpapasalamat kong mabilis nabigyan ni Daddy ng paunang lunas hanggang sa makarating kami sa hospital.

Kung hindi doctor ang aking ama at ang iba ko pang tiyuhin, paano ang anak ko? Paano ko… maaatim kung siya nga ay nawalan ng buhay dahil sa kapabayaan ko?

I remember why I was like that. Because of the news from Cloudius and Gianna. All because I was hurting, I tend to hurt my daughter, too. Kahit hindi ko naman hangad na mapahamak siya, iyon pa rin ang dinala ko sa kaniya.

Yinakap ko ang sarili sa harapan ng tulog na si Raja. Hindi ko akalaing…makikita ko siya nakaratay sa hospital bed na ako ang dahilan noon. Ang kapayapaan ko. Ang pagiging walang kwenta kong ina.

I thought of aborting her before and I tried ending my life so I could end her too. I almost killed her because I was sick. My mind was sick before and now… hanggang saan ba ang hangganan ng pagiging masamang ina ko sa kaniya.

Progeny #1: Embers Of DevotionWhere stories live. Discover now