Chapter 22

2K 27 5
                                    

Balisa

Nagising ako na nakakaramdam ng sakit ng katawan dahil sa pinaggagawa namin kagabi. Mabuti na lamang at nakapahinga ako ngayon at sa tingin ko ganoon din siya. Though he will visit his company later.

Kanina ay tumawag si Jyan para sabihing may meeting sila sa bar. Nilingon niya ako kaagad, nagtatanong ang mga mata kung payag ba ako. Natawa pa nga ako roon at tinukso siya na hindi naman ako natatakot na magloloko siya dahil kung talagang mahal niya ako, hindi naman siya matutukso.

Alas dose y media ay ngayon pa lang kami kakain ng agahan at tanghalian. Nakanguso ako habang siya nakangisi nang bahagya.

“This is unhealthy living,” puna ko, tinatarget ang pagiging conscious niya sa ganoon.

He shook his head, trying to hide his smile.

“It’s because you’re too naughty,” pagdadahilan niya.

Bahagyang nanlaki ang mata ko nang marinig ang paninisi sa kaniyang boses.

“Kahit hindi ako naughty, ‘no! Siguradong aabutin pa rin tayo ng madaling araw,” komento ko.

He tightened his lips and shot me a flirtatious look. I couldn't help but roll my eyes in response, and we went back to enjoying our midday meal together.

Nang makatapos ay naligo na ako at nag-asikaso muna ng sarili bago naalala ang cellphone ko. I took it and told my cousins that Dius is with me.

Matagal bago ako nakatanggap ng tawag mula kay Isy.

“Yes?” masiglang bati ko.

Pero kabaligtaran noon ang ideya niya.

“Allen…” may kakaiba sa tono ng boses niya.

Nangunot agad ang noo ko.

“Hmm? Any problem? Nag-away ba kayo ni Rack?” ang agad kong konklusyon.

Bumuntong-hininga siya.

“No. I found out about something and I think it is a bit personal for Cloudius. Pero kapag hindi ko naman sasabihin sa iyo, parang nagtago na ako sa iyo ng sikreto,” aniya, maririnig ang pag-aaalala sa boses.

Napaupo ako sa kama, dinama ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Isy was never like this. Kahit nga seryoso na ang nangyayari sa kaniya, mabuladas pa rin siya. Dinadaan niya sa magaang usapan para hindi mahalata ng lahat kung gaano kaseryoso ano man ang problema. But now…here she is, with her tone so calm that I know, there’s chaos brimming behind it.

Tumungo ako sa may bathroom at ni-lock iyon.

“Does it have something to do with Dius?”

I heard someone talking beside her.

“Allen, I can’t be the one to tell you about it pero kasi I asked Rack to pull some strings, you know…” dinig ko ang paghihirap at pag-aalinlangan niya.

“Hi, Allen,” Rack’s voice followed Isy.

“Hi…” It was a whisper.

Lumilipad ang isip ko sa maari kong malaman.

“Cloudius has no surname actually. His surname wasn’t registered,” he stated like we’re talking about some random topic.

“What do you mean? Isn’t that impossible? Paanong wala? He studied?”

Tatanggapin ba iyon ng management or ng school na pinagtapusan niya?

“Yeah. Her mother’s family has the power to manipulate it. His mother doesn’t want to give him her surname. Cloudius doesn’t want to take his father’s last name. Kaya nanatiling ganoon.”

Progeny #1: Embers Of DevotionWhere stories live. Discover now