Chapter 11

2K 30 0
                                    

Baguio

Isy and I spent the whole day on our house. Si Mommy ay nagtanong kung ano nga ba talaga ang nangyari kay Isy at bakit nauwi sa amin. Dahil mugto ang mata nito, hindi niya maipagsisinungaling na may problema siya. I let her speak. Hindi ako nakialam. Kung magsasabi siya ng totoo o gagawa ng ibang rason, it's up to her.

"Ganiyan talaga ang pag-ibig. Masakit pero kung kayo talaga, kayo talaga. Kahit anong mangyari," madamdaming sambit ni Mommy.

Nakanguso akong tumango. I only know that they got married again after I was born. Ang sabi ni Daddy, he did something awful to Mom which resulted for her to leave him during their first marriage. Gusto pa sana dagdagan ni Daddy, ikwento ang pagkakamali niya pero lagi siyang hinaharang ni Mommy dahil tapos na raw iyon and Dad should move on.

Sabi niya, si Daddy ang hindi makalimot doon pero siya, hindi niya na raw halos maaalala ang sakit na dinulot ni Daddy. When I asked her why, sabi niya, when she learned to forgive Daddy and accepted him in her life for the second time, she let go of those painful memories and focused on the happy ones. Dahil ipinaramdam naman daw ni Daddy sa kaniya ang lahat ng saya, nakalimutan niya na iyong naramdaman niya noong sakit.

"That's why in love, hindi dapat padalos-dalos, mga anak," ani Mommy habang niyayakap si Isy na umiiyak ulit. "Hindi lahat ng pag-ibig na dadaan sa iyo ay iyo talaga. Minsan, lesson lang sila para sa susunod na magmahal tayo, mas maalam na tayo."

I nodded at that. I suddenly remember Cloudius. Siya kaya? Anong uri siya ng pag-ibig? Pangmatagalan o...dadaan lang sa akin para turuan ako?

Hanggang sa sumapit ang hapon, hindi umalis si Isy sa amin. Nang magkasarilinan kami sa kwarto ko, doon na ako nagsimulang magtanong.

"Sino ba talaga ang gusto mo sa dalawa, Isy?"

Nalukot ang mukha niya. "Mahal ko nga si Jyan."

"At nalilibugan ka lang kay Rack?" sarkastiko kong tanong.

Umiwas siya ng tingin at binalingan ang cellphone. Kinuha ko naman iyon.

"I am your cousin. I don't want you to be labeled as a player, Isy. Ngayon pa lang, set up your mind. Mamili ka na. Kung hindi ka rin naman pala sigurado kay Jyan at ganoon din siya sa iyo, then that isn't love," giit ko. "Baka mamaya pinipilit mo lang ang sarili mo."

Umiling siya.

"I know I love him. Handa nga ako sa relasyong walang kasiguraduhan, eh," aniya.

"Then how come you're attracted to Rack too? Ano iyon, Isy? Mali iyon. Sa iyo man gawin ng lalaki iyan, mali iyon."

She bit her lower lip and I saw her eyes glisten.

"Why not try to... distance yourself from both of them? Kung sino talaga ang lagi mong iniisip o hinahanap baka... siya talaga," sabi ko.

Kumurap-kurap siya at naluha ulit.

"Allen, lagot ako kay Dada..." garalgal niyang sambit. "Malalaman niya kasi... kaibigan niya ang Daddy ni Rack!"

Ngumiwi ako at bumuntong-hininga.

"Gumawa ka ng gulo, harapin mo, Isy, Makipag-usap ka kay Jyan at Rack nang maayos."

Hindi ko alam kung naunawaan niya ba iyon. All I know is she started crying again until she fell asleep and another night passed with Isy on my room. Hindi naman ako agad nakakatulog dahil kausap ko si Cloudius sa veranda.

"She's fine now. How about Jyan?" I asked him.

"Fine. Let them be, Lavena. It's their own issue," aniya.

Progeny #1: Embers Of DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon