Chapter 30

3.9K 45 11
                                    

Difficult

The room becomes my own stage, where I dance in a captivating routine that seamlessly blends forward and backward movements. With every step, my trembling lips convey the intense emotions stirred by the viral video I watched on social media.

I went to the door and twisted the knob but it was locked on the outside. My parents are worried about me, so they've decided to keep me locked in my room. They really want to protect me from running into him, wherever he might be right now. Iyon ang iniisip nilang dahilan kung bakit ako nagsubok tumakas kanina.

“Mom!” I cried her name. “Daddy!”

Kinalampag ko ang pinto pero ilang minuto na ang nakalipas ay walang nagbubukas ng pinto. Bumalik ako sa harap ng kama ko. Humugot ako nang malalim na hininga at sinubukang kalmahin ang sarili pati ang pag-iyak ay hirap na hirap akong pigilan pero ginagawa ko.

Clutching my phone tightly, I listened as it rang several times, but no one on the other end showed any intention of answering, just like what happens every time I am fucking calling him. Disappointed, I ended the call and proceeded to dial a different number. Ganito ang gawain ko. Ang number na ‘to, nasasagot minsan pero kapag nagsalita na ako, biglang namamatay. 

Dius has three numbers. Ngayon kahit isa, walang sumasagot sa akin!

Sumabog uli ang mga luhang pinipigilan ko. Umaalpas na ang hikbing kanina pa kumakawala sa aking nangangatal na labi. Kahit napupuno na ng inis, I typed a message and sent it to his main number. I'm sure my message has a lot of typographical errors due to the cloud of tears on my eyes.

Kailangan ko siya ngayon! Higit na ngayon! I understand that the first video escalated online was true. But the fucking face of another man, making me look like a cheater and some whore? Baka pulutan na ako ng iba’t-ibang usapan.

Gusto kong malaman ngayon bakit may video siya noon at paanong ibang lalaki ang naroon?!

"Dius..." I muttered his name angrily.

He’s been like this since I don’t know! Kailangan na kailangan ko siya ngayon. I need to hear his side. Una ay ang tungkol sa kanila ni Gianna. Pangalawa ang video namin. Kailangan ko malaman kung paano nakalabas ang video na iyon sa publiko. Siya lang ang may kopya niyon. Ako ang kumuha sa sarili niyang camera.

And then this fucking fake man in that video scandal! Ano pang lalabas na susunod? Meron pa ba? I wanted to know! Tangina! Dius needs to give me his reason! 

Sumulyap ulit ako sa pinto nang makarinig ng mga lagabag. Habang nagtitipa ako, tinatakot si Dius na gagawan ng masama ang sarili kung hindi siya tatawag, nauubos ang oras ko para itago ang tanging kagamitan ko para magkaroon ng contact sa kaniya.

Iisang mensahe lang iyon. I copied and pasted it so many times. 

I will abort this child if you won’t give me an answer now.

Naiiyak ako sa sariling mensahe. It was just supposed to be a threat to him but somehow, the idea is being familiarized by my mind every time I am pasting it and sending it to his number.

Parang unti-unting nagiging liwanag at solusyon iyon sa mga mata ko kapag hindi kami naayos. Kapag hindi nga siya sumagot sa akin sa gabing ‘to. Baka matuluyan na akong masiraan at magawa ang panakot sa kaniya para lang makaganti sa lahat ng sakit na tinatamasa ko.

Hinaplos ko ang dibdib at sinuntok-suntok iyon kalaunan. Puro sending ang nakalagay sa mensahe kong paulit-ulit at pagkadami-dami.

Lumakas pa ang pagkabog ko sa aking dibdib hanggang sa parang nararamdaman ko na rin ang pisikal na sakit na ginagawa ko sa mismong puso.

Progeny #1: Embers Of DevotionWhere stories live. Discover now