Chapter 20

2.5K 25 1
                                    

Bad

One week. Talagang hustong one week na walang paramdam si Dius. I’ve been calling him and when he didn’t answered again, tinadtad ko na siya ng text. Telling him that he could’ve told me about his disappearance.

Of course I am not happy with it. Kahit na ano pang dahilan, a simple reason would make me feel safe and less of worry. Hindi pa nakatutulong ang mga gumugulo sa isip ko.

I am working but I’ve been absent minded. Ilang beses na ba akong pinagpahinga sa isang shoot dahil natutulala ako minsan?

Sila Mommy ilang beses na akong pinakiusapang umuwi muna roon sa bahay dahil hindi na ako nagpakita pa mula noong nilisan ko ang bahay namin. Gusto kong pahupain ang tampo ko, actually. But now that I found out about something, I don’t think I can act like I didn’t have any idea of what they’re hiding.

Hindi ako plastic na tao. Hindi ko talaga kayang magpanggap na wala lang. Hindi ko maitatagong nag-iimbestiga ako dahil si Kuya Tarian, malalaman niya agad sa kilos ko pa lang.

I can’t lie about this thing! Kung ang kay Cloudius ay naitatago ko, pwes ito hindi. Malaking bagay ito na gumugulo sa isip ko. Isang beses lang akong matulala, malalaman na niya.

That’s why I keep detached from them. Sa condo, nagpapanggap akong wala kapag nariyan si Kuya Tarian sa.labas o kaya kapag tumatawag siya ay busy ako kuno Even Solasta called me to ask if I am doing fine. I answered her that I am.
Baka mamaya may kinalaman pa kay Kuya kaya biglaan ang kaniyang pagtatanong.

Though whenever she’s calling I have to pretend that I am happy and unbothered!
TGanoon ang naging takbo ng linggo ko habang iniisip kung nasaang lupalop pa si Cloudius. Kung okay lang ba siya o ano? Pero kahit nag-iisip ako, hindi ko inaksaya ang mga araw na ipinahinga ko. uloy kami sa pag-iimbestiga namin ni Isy. At Sabado ng umaga nang makatanggap ako ng tawag kay Iope.

“Yes! Si Eros na ang nagsabi! The Hijazis are keeping a lowkey lifestyle now. Buhat noong nangyari yata na may isang namatay sa pamilya. Maximus?” ani Iope.

Napapikit ako dinama muli ang pait na hatid ng panibagong kumpirmasyon.

“Eros handed me some files. Magagamit natin iyon. Busy ka ba?” biglang tanong niya.

I showed her the snacks I am eating and the open TV. Wala akong ginagawa. Valencia asked me to rest. Na baka stress na talaga ako kaya huwag na munang paunlakan ang ibang schedule. Ayaw ko mana maging unprofessional pero kung palagi naman akong matutulala habang nasa shoot ay mas mabuting magpahinga nga ako.

Right now I am video calling Iope. Si Isy ay tulog pa hanggang ngayon.

“Punta ako diyan. Si Isy?”

“Tulog pa iyon. Galing sila sa party ni Rack kagabi,” sagot ko.

“Ahh! Nabalitaan mo na ba? Si Jyan at ang best friend ni Isy?”

Nalukot ang mukha ko at umiling.

“What about it?” I asked, absentmindedly.

Iope scoffed.

“Anong what about it? Siyempre, the girl code!”

Tumayo siya at may kinuha. Ang cellphone at mayamaya ay nagtipa roon.

“Mamaya na ang serious mode natin. Tsika ko muna sa iyo ‘to,” excited niyang sabi.

Ngumuya ulit ako ng cookies at saka sumipsip sa milktea na in-order ko lang. These past few days, hindi na ako kumaain nang matinong pagkain! Puro order ng junk foods and I know it is now healthy but what can I do? Iyon ang gusto kong kainin dahil pakiramdam ko kapag ganoon ay nakakahinga ako nang maluwag.

Progeny #1: Embers Of DevotionWhere stories live. Discover now