Chapter 18

1.8K 23 1
                                    

Issue

Nakarating kami sa bahay na lula pa ako at ‘di makahuma sa nakikita sa aking ina. Alalang-alala ang mga boydyguard habang binabagtas namin kanina ang daan pauwi. Ang planong kakain kami ni Mommy sa isang restaurant ay ‘di na natuloy.

Kumalma siya kahit papaano pero hindi natigil ang kaniyang mga luha at ang kapit sa aking braso na tila mawawalan siya ng buhay at lakas kapag naalis iyon ay nagpapatunay na hindi lamang isang simpleng kung ano ang nangyayari sa kaniya.

Nakasalubong pa namin ang sasakyan ni Daddy, humahagibis na rin. Mabuti na lamang at mabilis na nakahinto. Balewala sa kaniya ang halos muntik nang pagkabangga ng sasakyan sa isang puno dahil sa kamamadaling madaluhan si Mommy.

“Shh… It’s fine. I’m here, love. I’m here,” paulit-ulit na bulong ni Daddy habang ako ay ‘di makapagsalita at nakatanaw sa kanila.

Why does my mother look like she’s begging Dad? Sa mata pa lang, nagsusumbong, nagmamakaawa. Ano iyon? Para saan iyon? I want to know!

Bumukas ang pintuan at iniluwa noon ang dalawa kong kapatid.

"Briallen, how are you? What has occurred?" Kuya Max asked worriedly.

Naluluha ang matang sinalubong ko sila. Kuya Tarian went to Mom. Si Kuya Max ang nagtanong sa akin sunod-sunod.

“I d-don’t know, Kuya. May… may n-nakita yata siya tapos…”

“Mom, it’s fine. Dad is fine. We’ll be fine.” We heard Kuya Tarian speak.

Nilingon namin sila ni Kuya Max, nakayakap sa akin si Kuya, sumusuporta rin sa akin. Nakatingin kami sa kanilang tatlo. Kuya was with Dad, too. Nakayakap. Umiiyak. Parang bata. And Mommy’s holding him like…he’ll be lost anytime.

“Dad is here. We’ll be fine, hmm?” Kuya’s talking as if he is also telling that to himself pero pinipilit niyang unahin si Mommy.

Hindi ko alam kung bakit pero unti-unti akong nadudurog kahit hindi ko lubos na nauunawaan ang nangyayari sa kanila. Bakit ganito na lamang sila umakto? Anong meron? Ano ang totoo? Ano ang ibig sabihin ng mga reaksyon nilang ganito?

Ang mga katanungan ko, hindi kailanman nabigyan ng kasagutan.

Kinabukasan, okay na si Mommy. Nakangiti at nagbibiro, naglalambing kay Dad at si Kuya, parang simpleng nagising lang at walang nangyari. Kuya Max and I were quite. Though, I know, the way Kuya Max act that he didn’t witness what I witnessed is already building a theory inside me that they know something I don’t.

Walang kumikibo tungkol doon pero nagkukulitan si Dad at Mom.

“Allen, ‘nak, kumain ka pa. Manang said you didn’t eat your dinner last night,” aniya, malamyos ang boses.

Bumagsak ang tingin ko sa plato, ang pagkaing nginunguya ay mistulang nagiging mapait sa aking panlasa kasabay ng pagsabog ng pait sa aking sistema.

An idea popped in my head. They’re hiding something from me. At sa kaalamang mayroon nga, parang ang sakit noon dahil lahat sila ay nagtutulong-tulong para mapagtakpan ang nakita ko kagabi. Na ngayong umaga ay sinusubukan nilang pintahan ang madilim na imaheng nakita ko kagabi mula sa kanila.

“I’m fine…” usal ko, halos hangin na lang dahil sa namumuong bikig sa aking lalamunan.

Mamatay man ako kaiisip, hindi ko alam kung bakit may tinatago sila? Is that that big that it can ruin or hurt me? Kasi mahal nila ako. Hindi nila itatago iyon sa akin kung hindi naman makakasama, hindi ba? Pero gaano ko man iyon isipin, na ganoon nga, hindi ko maiwasang masaktan. Kasi…hindi na ako bata. Pamilya ko sila. Pamilya nila ako. I wanted to be with them through everything but they seems like they aren’t ready for that. Na…bata pa rin ako sa kanila.

Progeny #1: Embers Of DevotionWhere stories live. Discover now