Chapter 31

2.5K 44 1
                                    


Palahaw

“Here, anak. Inumin mo rin ‘tong fresh strawberry juice.” ani Mommy at inilapag iyon sa harapan ko.

Walang emosyon akong tumango pero hindi naman iyon ginalaw. I am only eating the grapes. Iyon lang ang gusto kong kainin sa ngayon. Baka mamaya pa ako magugutom sa ibang klase ng prutas.

Mommy sat beside me and breathed out. She extended her hands to my growing stomach and gently caressed it.

“Malapit nang lumabas ang apo ko,” nagagalak niyang sambit.

I swallowed the last piece of grape and nodded at her.

“Makakaalis na po ako,” malamig kong tugon.

Mommy’s eyes softened at my words. Have you seen a thing that is soft yet heavy? It is like that. Her eyes are soft and heavy, like sorrow.

“Anak, sigurado ka ba sa plano mo?” bumuntong-hininga siya. “I was like that before. I was just so broken. Kahit hirap ang loob ko na iwan si Tarian noon, umalis pa rin ako para lang mahanap ang sarili.”

“Then that’s what I am going to do too, Mom. Hahanapin ko rin po ang sarili ko. Hahanapan ko ng pagmamahal na ako lang ang makapagbibigay.”

My family gave me all the love that they think I deserve. Kaya napakakampante ko habang nagkakaedad. Na kapag minahal ako ng tao, magtatagal iyon dahil ni minsan, hindi naman nagbago ang pagmamahal sa akin ng mga magulang ko. Nasanay ako na…permanente na akong mamahalin ng lahat. Kaya naman katulad ng kung paano ko mahalin ang aking pamilya, na buong-buo at wala ring limitasyon, ganoon ko rin minahal si Dius.

I thought he will love me permanently so I will do the same. I did the same. But I was wrong.

Siguro nga hindi ko alam ang pinagkaiba ng pagmamahal ng pamilya sa pagmamahal ng kasintahan. Because I never had one until Dius. Lahat pa ng naririnig ko at gusto kong makita sa kaniya bilang lalaking mahal ko, ipinakita niya sa akin kaya…kampante ko. Na akin siya. Na mahal niya ako. Na kaming dalawa. Na kakayanin namin ano mang pagsubok kasi matatag kami. Kasi…mahal na mahal ko siya.

Akala ko ganoon din siya sa akin. Akala ko…

I bit my lower lip and looked away. Mom gave out a heavy sigh.

“I’m pretty sure you’ll change your mind once you have a glimpse of your child’s innocent face,” aniya. “Sana…”

Dahil ayaw ko ng pag-usapan iyon, tinanguan ko na lamang. And I know, Mom noticed that. Hindi na niya muli pang binanggit iyon.

“Kaya mo ba talagang mag-isa rito? I can ask Isy to stay here with you. Nag-aalala ako, ‘nak.”

I smiled simply at my mother when I directed my eyes at her again. Worries filled her aging yet beautiful face. She’s still as elegant as before. She’s still carefree yet she knows when she should be tamed. Kapag kausap ako.

“Maayos naman ako rito, Mom. Dinadalaw naman ako palagi ni Ate Dilay,” magaang sambit ko. “At saka ang daming tauhan ni Ate Dilay dito. Walang makakagalaw sa akin. At kaya ko naman.”

“I’m not worried about that. Pero kasi, bunso, buntis ka. Oo at walang gagalaw sa iyo rito dahil bantay sarado ko ng mga tauhan ni Dilay at ng Daddy mo pero paano kung biglaan ka na lamang manganak, huh? O may mangyari? Madulas ka o matapilok,” mahabang litanya ni Mommy.

Nangiti naman ako roon. Lumabi siya sa naging reaksyon ko.

“Don’t worry, Mommy. Hindi na po ulit ako gagawa ng kahit anong ikasasama ng apo niyo. That’s the least thing that I can do to make up with you. Kasi gustong-gusto mo na ng apo, hindi ba? Kayo ni Daddy? Kahit man lang po doon, makabawi ako.”

Progeny #1: Embers Of DevotionWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu