Chapter 36

1.9K 47 9
                                    

Embers Of Devotion
Chapter 36
Mommy

“Anong ginagawa niya rito?!” galit na tanong ko. “Mom!” sabay baling ko sa aking ina na mukhang hindi rin alam kung paano ako sasagutin.

When I looked back to where my cousins and that man were walking, all of them were looking at me with shock written all over their faces. Nagkatinginan pa sila habang si Cloudius, ang lalaking nagpapaahon ng galit ko ay nanatiling nakatingin sa akin, animo’y nakakita ito ng multo ng nakaraan.

“Allen, let’s go,” Kuya Max moved me gently.

I looked at my father who is now beside me.

“Anak, let’s get inside,” ani Daddy pero umiling ako dahil naguguluhan pa rin.

“No, Dad. I am asking you, why is he here? He’s dangerous!” I spat and glanced at Cloudius' way.

Hindi ko na nahuli ang tingin niya at nakababa na ang kaniyang ulo, nakatingin kay Lola habang nag-iigting ang knaiyang panga at tila may galit na nararamdaman.

I huffed while stopping myseflf from crying.

“Hindi niyo po ba siya paaalisin? This is my Lola’s wake! B-bakit narito siya?!” hindi na mapakaling tanong ko.

“That’s the youngest,” dinig kong bulong sa unahan.

I looked for whoever spoke but I was too late to catch which mouth murmured that . The people around the area where I heard it were now looking at us, at me like I am some kind of show.

Marahas kong inayos ang buhok ko dahil hindi ko nais ang tingin nila sa akin pero pakiramdam ko, kailangan kong maging maayos kahit sa panlabas. Na baka pati ito maging issue. Ang pagiging nerbyosa ko ngayon at bahagyang pagwawala.

“Allen. Anak. Let’s go. Sa loob tayo.”

Kinuha ni Mommy ang kamay ko pero natampal ko iyon dahil sa labis na naguguluhan. Natigilan lang ako nang suminghap si Mommy at tila nasaktan. Nahigit ko ang aking hininga at sinalubong ang tingin ng aking ina na nagmamakaawa.

“Sorry…” usal ko, walang boses dahil din sa pagkabigla.

Mommy forced a smile and still took my hand.

“Let’s go, anak, hmm? Mommy will keep you safe,” aniya sa masuyong paraan.

Si Daddy ay hinawakan na rin ang isang kamay ko. Iginiya nila ako sa loob pero nilingon ko pa rin ang gawi nila Isy. Nakatingin pa rin sila sa akin kahit nasa harapan na sila ni Lola. Isy’s looking at me with furrowed brows.

Nawala lang sila sa paningin ko nang tuluyan akong maipasok ni Mommy.

“Kumain muna tayo?” si Kuya Max na nilingon ang asawa.

Hindi ko iyon inintindi at pinanood si Mommy na umupo sa harap ko.

“Anak, can you calm down?” she asked me softly.

“I am calm…” I told her. “B-but he is making me feel like I shouldn’t be! Baka may gawin siya sa atin katulad noon!” giit ko.

Ang haplo ko ay naging kamot na. “Mommy, we should throw him out!” dagdag ko pa at hinawakan sana si Mommy.

But her staredropped down to my arms and that’s when I looked at it the same way she did. Doon, nakita ko ang namumulang balat na kakikitaan ng sugat at mumunting mga dugo. Bago ko pa maitago sa mga mata ni Mommy iyon, hinuli na ni Daddy ang kamay ko at hinaplos iyon. His eyes glared at that as he caressed it which made me flinch. Matalim ang tingin niya sa akin.

“Anong oras ang dating ni Cirolius?” tanong ni Dad.

“I don’t know, Dad. But I am trying to call Tita Rouge,” sagot ni Kuya Tarian.

Progeny #1: Embers Of DevotionWhere stories live. Discover now